~~~[ Heart Series: Volume II ]~~~
•Fixing a Broken Heart•
[ M2M Love Story ] [ BxB ]Chapter 13
( Kaizer’s POV )
Ang bigat sa dibdib tingnan na magkakasama kaming lahat ngayon dito at nagkakasiyahan.
Kasi wala silang alam na huling gabi na namin itong magkakasama-sama na kumpleto kaming lahat.
Tiningnan ko si Lexter.
Bakit parang wala lang sa kanya?
Bakit naitatago niya ang lungkot?
“Babe? Bakit ang tahimik mo yata bigla?” tanong ni Lew sa akin.
Napatingin naman sa silang lahat sa akin.
Nakapaikot kasi kami ng upo dito sa buhanginan at nasa gitna yung mga alak at pulutan.
Si Prince ay naka-abang sa magiging sagot ko.
“Ah…W-wala Babe. Nabigla lang siguro ako sa alak” sagot ko.
“Eh dapat pala tumigil ka na. Baka kung ano pang mangyari sayo” nag-aalala nitong sabi sa akin.
“I’m fine, Babe. Sabi ko nga nabigla lang ako. Okay na ako ngayon” pinilit kong ngumiti para hindi niya mahalata.
“Let’s play a game para masaya” sabi ni Oreon.
“Sure. Anong game?” tanong ni Lexter.
“How about 'Follow the Lyrics'?” suggest ni Mitch.
“Ano yun? Baka mahirap yan” tanong ko.
“Just as simple as may isang kakanta, then yung last word or lyric ay iyon ang dapat na simula ng kakantahin naman ng susunod na kakanta. Gets?” paliwanag ni Mitch.
“Ahhh. Parang dugtungan lang. Yan ang tawag sa amin ng ganyang laro eh” sabi ko.
“Yup. Something like that” sabi naman ni Mitch.
“Okay, start na tayo!” excited na sabi ni Oreon.
“Wait. Ano naman yung consequence sa matatalo?” tanong ni Prince.
“Truth or Dare na lang” sabi ni Lexter.
“Sige. Let’s just spin the bottle kung sino ang magbibigay ng parusa” sabi ni Mitch.
“Ang daming pumasok na game ah. Follow the Lyrics na may Truth or Dare, tapos Spin the Bottle pa? Pauso ka Mitch?” sabi ni Oreon.
“Tse! Okay na yun. At least bago, para mas thrill” sabi nito.
“Okay na yan, para masimulan na. Ano? Game na?” tanong ko.
“Game na!” sabay-sabaynaman nilang sigaw.
.
.
.
.
.( Lew’s POV )
Nakakakaba naman ang larong ito!!!
May mga alam naman akong kanta pero baka ma-mental blocked ako. Naka ilang inom tuloy ako ng alak sa sobrang kaba.
Nakapalibot kaming lahat na korteng bilog.
Bale ganito yung formations namin;
Ako; Kaizer; Oreon; Pat; Phytos; Lexter; Mitch; Prince.Pa circle yung formation kaya katabi ko sa magkabilang side sina Kaizer at Prince.
Pinaikot na ni Mitch ang bote para malaman kung sino ang unang kakanta, at si Lexter yun.
“Tagalog songs tayo ha” sabi nito.
BINABASA MO ANG
Fixing a Broken Heart [ COMPLETED! ]
RomanceMinsan, kung kailan masaya na tayo at parang perpekto na lahat ay doon pa bigla-bigla na lamang dumarating ang mga problema. Ang buhay ay may hangganan, pero kaya mo namang mahalin ang isang tao kahit wala na siya, 'di ba? Ibig sabihin ba 'nun may...