~~~[ Heart Series: Volume II ]~~~
•Fixing a Broken Heart•
[ M2M Love Story ] [ BxB ]Chapter 12
( Lew’s POV )
Sobrang saya ko sa naging bakasyon namin dito sa private island nila Prince. Iba talaga pag mayaman ka, may sarili kang island. At ang ganda ng bahay nila dito.
Bahay palang ay halata mo ng mamahalin. Mula sa mga materyales at mga kagamitan sa loob at labas dito ay mamahalin lahat at mukhang naiingatan ng mabuti ng mga katiwala nila dito.
Mayroong nga ding mga nakasabit sa dingding na may mga takip na puting tela.
Nang tanungin namin si Prince kung ano ang mga iyon ay mga paintings at family portraits daw nila iyon at pinapatakpan lang para hindi masira ng tubig-alat dahil sumasama daw ito sa hangin na maaaring ikasira ng mga painting kung hindi maiingatan.
Dahil bihira mangyari ang mga pagkakataon na katulad nito sa amin ay hindi namin sinayang yung bakasyon namin dito sa isla. Nag fishing kami tapos swimming sa gitna ng dagat.
Yung yate niya kasi ay may back door yung ilalim, syempre may salbabida kami ni Bes, mahirap na at baka malunod pa kami.
Maganda yung dagat nila dito. Kahit sa malalim na parte na ay makikita mo parin yung ilalim ng dagat. May ibat-ibang klase ng mga isda at may mga corals din. Nag diving pa sila pero hindi ko na ginawa. Ayaw ko kasi, kaya kami lang ni Bes Pat ang naiwan sa yate kasama sila manang.
Inuman at sayawan lang kami ni Pat, at masasabi ko ngang hindi si Pat marunong sumayaw. Pero hindi ko na sinabi para hindi siya ma offend pa.
Dahil may mga tama na kami ng alak ni Pat ay hindi na kami nahihiya. Maingay na kami habang sinasabayan namin ang tugtog sa pagsasayaw na sinasabayan narin namin ng pagkanta.
Nakisalo narin ang barkada sa amin ng makita kaming nagkakasiyahan ni Pat. Hindi na sila nag diving. Mag inggetero talaga. Naging parang disco bar lang tuloy.
Party! Parrrrrrrrtyyyyyy!
Nang sumunod na araw ay para naman kaming mga turista na nilibot namin ang mga isla na naroroon gamit ang yate. Picture taking lang ang naganap at syempre, gusto ito ni Mitch para sa kanyang vlog. Pero sobra din kaming nag-enjoy dahil sa ang ganda ng mga views.
At ngayong gabi, may pa bonfire effect pa kaming nalalaman.
Nandito lang kami sa tabing dagat. Inuman lang habang ihaw-ihaw ng marshmallow at isdang malalaki na bagong huli ni manong.
With matching music as our background pa talaga para mas masaya.
Last night na namin ito dahil bukas ng umaga ay uuwi narin kami.“Nasaan nga pala si Prince?” tanong ko kay Pat.
Napansin ko kasi na wala si Prince.
Nagkakasiyahan habang nag-iinuman ang Heartthrobs kasama sina Lexter at Mitch.
Ako naman at si Pat ay magkatabi lang habang nag-iihaw ng marshmallow habang umiinom.
Naihaw na kasi kanina ng mga boys ang mga isda. Ayun na nga din ang ginagawa nilang pulutan ngayon.
“Baka nasa loob ng bahay” simpleng sagot naman ni Pat.
Hindi nalang ako umimik.
“Alam mo, Bes. Napapansin ko parang matamlay si Prince. Wala naman siyang sakit, di ba?” maya-maya pa ay sabi ni Pat sa akin.
Nagulat ako kasi ang akala ko ay ako lamang ang nakakapansin nun.
“Napansin ko na nga din iyon Bes, eh. May alam ka ba kung bakit?” tanong ko dito.
BINABASA MO ANG
Fixing a Broken Heart [ COMPLETED! ]
RomanceMinsan, kung kailan masaya na tayo at parang perpekto na lahat ay doon pa bigla-bigla na lamang dumarating ang mga problema. Ang buhay ay may hangganan, pero kaya mo namang mahalin ang isang tao kahit wala na siya, 'di ba? Ibig sabihin ba 'nun may...