~~~[ Heart Series: Volume II ]~~~
•Fixing a Broken Heart•
[ M2M Love Story ] [ BxB ]Chapter 17
( Lew’s POV )
Monday na!
Excited na akong pumasok dahil makikita ko na ulit ang Heartthrobs at sina Lexter at Prince.
Miss na miss ko na talaga silang lahat!
“Baaabeeee!” sigaw ko ng makita ko si Kaizer sa harap ng SC office na mukhang hinihintay ako.
Patakbo akong lumapit sa kanya at niyakap ko siya. Normal na rin naman iyon sa amin kahit maraming nakakakita dito sa amin sa campus.
Official na naman kaming mag jowa kaya wala naman kaming dapat na ikahiya pa.
“I miss you so much, Babe!” sabi niya.
“Miss you too, Babe” masaya kong sabi sa kanya.
Ang saya-saya ko talaga dahil ang tagal ko siyang hindi nayakap. Hindi pa kami nakuntento ay nag kiss pa kami.
Pero saglit lang kasi masyadong ng PDA ang datingan kapag nagtagal pa.
“Nasaan na sila Phytos at Oreon?” tanong ko dito.
“They are already at the cafeteria with Pat” sagot nito.
“Let’s go. Puntahan na natin sila!” sabi ko at hinila ko na siya agad.
Apaw na apaw ang energy ko ngayon dahil sa wakas ay kumpleto na naman kami.
They are my source of energy at happiness talaga!
Masaya kaming nagkwentuhan habang nasa cafeteria. Wala naman akong masyadong mai-share dahil wala namang ganap ang bakasyon ko kaya sila nalang ang nagkwento sa mga nangyari sa bakasyon nila.
May mga pasalubong din sila sa akin. Kaya naman para tuloy akong galing sa mall at nag shopping. Ang dami ko kasing paper bag na dala.
As usual. Monday morning kaya naman may flag ceremony muna. After nun ay sabay-sabay na rin kaming pumunta sa room namin.
Dumaan muna kami sa SC Office para sabihan ko yung secretary sa siya na muna ang bahala sa mga punishments. Na miss ko lang talaga ang mga mokong eh.
Pero sina Lexter at Prince ay hindi ko pa nakikita.
“Jerlie???” sabi ni Kaizer.
Kakapasok pa lang namin sa room.
Nagulat ako.
Magkakilala ba sila ni Jerlie?
Well, obviously ay magkakilala sila kasi tinawag ni Kaizer si Jerlie in her name.
“K-Kaizer? Is that really you?” gulat na tanong ni Jerlie.
Ako naman ay tinitingnan lang sila.
Kita din sa mukha nila Phytos at Oreon ang pagkagulat. Si Pat naman ay alam kong hindi pa rin comfortable kay Jerlie.
“Ako nga! Kailan ka pa nakabalik?” sagot ni Kaizer.
Nagyakapan pa sila ng very light.
Pero hindi naman ako nagselos. Kasi normal naman naman na batian yun.
“A month ago na. Wait! Don’t tell me we’re classmate? Dito rin ba ng room mo?” tanong ni Jerlie.
Nakikita ko ang saya sa mukha ni Jerlie.
“Yup! By the way, do you still remember them?” tanong ni Kaizer at itinuro sina Phytos at Oreon.
Out-of-place na ako ha!
It feels like I’m not existing sa harap nila.
BINABASA MO ANG
Fixing a Broken Heart [ COMPLETED! ]
RomanceMinsan, kung kailan masaya na tayo at parang perpekto na lahat ay doon pa bigla-bigla na lamang dumarating ang mga problema. Ang buhay ay may hangganan, pero kaya mo namang mahalin ang isang tao kahit wala na siya, 'di ba? Ibig sabihin ba 'nun may...