FABH - 29

5 0 0
                                    

~~~[ Heart Series: Volume II ]~~~

•Fixing a Broken Heart•
[ M2M Love Story ] [ BxB ]

Chapter 29

( Lew’s POV )

Napapagod na ako sa kakaiyak.

Halos buong gabi kasi akong umiyak. Magdamag akong nag-isip kung bakit.

Napakaraming katanungan sa isip ko ngayon.

Bakit nagawa ni Kaizer na lokohin ako?

Bakit may ganung eksena sina Kaizer at Jerlie?

Pareho ba nila akong pinaglaruan? May relasyon ba sila?

Kung wala eh bakit may ganung eksena akong nasaksihan?

Bakit ang mga itinuring kong mga kaibigan ay naglihim sa akin?

Bakit sila nagsinungaling sa akin?

Sobrang sakit!!!!

Para akong lumalaban sa isang gyera na wala naman akong kakampi… na lahat sila ay kalaban ko.

“Sure ka na ba sa plano mo?” tanong sa akin ni RyRy.

Nakwento ko na sa kanya ang mga nangyari.

Maski siya ay walang maisagot sa mga katanungan ko.

Nagkaroon ako ng isang desisyon at sinuportahan naman niya ako.

“Oo RyRy. Pinag-isipan kong mabuti ito” sagot ko naman.

“Gusto man kitang pigilan ay hindi ko naman magawa. Nakikita ko kasi ngayon sayo ang isang Lew na iba sa nakilala kong Lew na kasabay kong lumaki” sabi nito.

Nag-iba ba ako?

Ano ba ako dati? At ano na ba ako ngayon?

“What do you mean?” tanong ko dito.

“Ikaw ang tumuklas sa sarili mo kung ano ang sinasabi ko” sagot nito.

Hindi ako nakaimik. Iniisip ko ang sinabi niya.

Ano ba yun? Ano ba ang nagbago sa akin?

Mayroon ba talagang nagbago?

“Sige na. Pumasok ka na at ayusin mo na ang dapat mong ayusin. Pagbalik mo ay ayos na ang lahat” sabi nito.

Tumango nalang ako at naghanda na para sa pagpasok ko sa school.

Parang ang bigat ng katawan ko habang tinatahak ang daan papuntang school.

Tama ba itong gagawin ko?

Oo! Tama ito!

Magdamag kong pinag-isipan ang gagawin ko na ito.

“What?! Are you sure?! Baka nabibigla ka lang, Lew!” gulat na sabi ni Mrs. Hera.

“Yes po, Ma’am. Buo na po ang desisyon ko. Nandito lamang po ako para magpaalam” sagot ko.

“Pero, Lew. Bakit naman biglaan? At in the middle of school year pa?” tanong ni Ma’am.

“Tumatanggap naman po ng late enrollees ang school na nililipatan ko Ma’am. Gusto ko lang po sana makuha at maayos ang papers ko ngayon. Yun lang po sana yung request ko Ma’am” sabi ko.

“Sure ka na ba talaga? You are the SC President, remember? And you are also a candidate for the coming election” sabi ni Ma’am.

“Next week na po ang election Ma’am. 1 week lang po mawawalan ng President ang EMU. Nandyan naman po si Lexter as VP, and I trust him” sagot ko naman.

Fixing a Broken Heart [ COMPLETED! ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon