Title: Fixing a Broken Heart
(Heart Series Vol.2)
[ M2M Love Story ] [BxB]Chapter 06
( Lew’s POV )
Nandito na kami sa loob ng cafeteria ni Bes. Nakita naman agad namin sina Kaizer kasi dun naman lagi kami nakapwesto.
Parang wala na ngang ibang gumagamit nung area na yun, kasi parang naka reserved na yun sa amin.
Kasi walang ibang umuupo doon kundi grupo lang namin. Kahit kasi malimit siksikan at punuan sa cafeteria ay wala kang ibang makikitang nakaupo doon kahit wala naman kami doon.
Although wala namang nagbabawal na umupo dun na iba. Parang mismong sila na ang nag adjust para sa amin.
Pero kung may gumamit man o umupo doon ay okay lang din naman sa amin.
Kasi unang-una ay hindi sa amin iyon at pangalawa ay wala naman kaming karapatan na pagbawalan sila doon.
“Mukhang nagkakasayahan ang tatlong unggoy ah” sabi ni Pat.
Nakita kasi namin na nagtatawanan sina Kaizer at Phytos. Si Oreon naman ay nakatalikod sa amin. Mukhang siya yung joker kasi yung dalawang mokong ay utas na sa katatawa eh.
“Oo nga, tara puntahan na natin. Kanina pa siguro nila tayo hinihintay” sabi ko naman.
“Asus! Nagdahilan pa. Ang sabihin mo ay miss na miss mo na yung jowa mo. Hay naku! Wag ako, Bes!” biro ni Pat.
“Ahmm. Pwede din! Pero yung totoo gutom na din kasi talaga ako, Bes” sabi ko.
“Okay, fine. Gutom na din ako eh” sabi naman niya.
Naglakad na kami papalapit kina Kaizer at mukha talagang silang masaya.
Tawa ng tawa eh. Mukhang panay kalokohan na naman ang pinagsasabi ni Oreon.
“B-Babe?!” gulat na sabi ni Kaizer.
“P-Pat!?” gulat ding sabi ni Phytos.
Anong meron? Bakit gulat na gulat sila sa pagdating namin?
Ganun na ba kami kaganda? Charot!
“Hay naku! Tigilan nyo na ako dyan! Hindi na ako maniniwala sa mga sinasabi niyo!” inis na sabi ni Oreon.
“Pero bro-!” sabi ni Kaizer pero hindi natuloy dahil nagsalita narin agad si Oreon.
“Tigilan nyo na nga yan! Basta totoo ang sinasabi ko. Mahal ko talaga siya at seryoso ako sa kanya!” sabi ni Oreon na may paghawak pa sa puso niya.
Tama ba ang narinig ko na in love si Oreon?
Pero kanino?
Nagkatinginan kami ni Bes.
Parang nakita ko na naging malungkot ang mga mata niya, pero nginitian niya lang ako.
“Babe! Pat! Tara upo na muna kayo!” malakas sabi ng Kaizer.
Tumayo pa siya para lapitan at i-kiss ako.
“Ano ba?! Kailangan talaga pasigaw?” inis na sabi ko sabay upo.
Nakita ko naman na parang natulala si Oreon at hindi mapakali.
Tapos si Phytos ay pangiti-ngiti lang.“Ganun talaga, Babe. Para intense” biro ni Kaizer.
“Hehehe! Nakakatawa yun, Babe?” sarkastiko kong sagot sa kanya.
“Aba! Saan mo yan natutunan, Babe? Sa pinsan kong mais ano?” sabi nito.
BINABASA MO ANG
Fixing a Broken Heart [ COMPLETED! ]
RomanceMinsan, kung kailan masaya na tayo at parang perpekto na lahat ay doon pa bigla-bigla na lamang dumarating ang mga problema. Ang buhay ay may hangganan, pero kaya mo namang mahalin ang isang tao kahit wala na siya, 'di ba? Ibig sabihin ba 'nun may...