~~~[ Heart Series: Volume II ]~~~
•Fixing a Broken Heart•
[ M2M Love Story ] [ BxB ]Chapter 67
( Lew’s POV )
“That was so intense, Bes! Nasupalpal mo si Jerlie!” masayang sabi ni Pat.
Nandito na kami sa room.
Nagkataon naman na breaktime na din kaya kami nalang ngayon ang tao dito sa loob.
“For sure, trending ang pagbabalik mo ngayon dito sa campus!” sabi naman ni Lexter.
Ayun na din naman ang inaasahan ko. At heto din naman talaga ang plano dahil bukas na ang SC election.
“Pero i-explain mo muna sa akin Blaze yung about sa inyo ni Jerlie” sabi ko kay Blaze.
“That’s nothing! She thought na mapapaglaruan niya ako at magagamit. Pero siya ang pinaglaruan ko” natatawang sabi nito.
“Paano naman kayo nagkausap? To the point na napunta pa sa s*x part?” tanong naman ni Lexter.
“Oo nga? For sure ay gyera ito kapag nalaman ni Ellaine” sabi naman ni Pat.
“Naaaahh.! Break na kami ni Ellaine” sabi ni Blaze na parang wala lang sa kanya.
“What? Seryoso?! Bakit? Gumawa ka na naman ba ng kalokohan?” gulat na tanong ni Pat.
“Naku, Bro! Sabi mo nagbago ka na? Playboy ka pa rin pala” sabi naman ni Lexter.
“Pasaway ka talagang mokong ka! Wala ka ng pagbabago” sabi ko naman.
“Easy lang guys. Maayos naman kaming naghiwalay ni Ellaine. We both agreed to this. Hindi na din naman kasi kami masaya. I think we are not compatible” sabi niya.
“Totoo ba yan? Baka palusot mo lang yan ha?” tanong ko.
“Promise. Tanungin nyo pa si Ellaine” sabi niya naman.
Mukhang totoo naman.
At simula naman nung makilala at makasama ko siya at hindi pa naman siya nagsisinungaling sa akin.
“Then, dahil break na kayo, pumayag kang makipag s*x kay Jerlie?” tanong ko.
“It’s just an accident. I was at the bar that time at hindi ko naman alam na nandun si Jerlie. She approached me and said that she wanted to be my friend. I know naman na hindi yun totoo yung sinasabi niya” kwento ni Blaze.
“And then? Niyaya ka agad niya?” tanong ni Pat..
“She said that she want me to do a favor for her… to help her na hindi manalo si Prince sa election. Gusto ko ng matawa nun kasi hindi naman si Prince ang makakalaban niya kundi ikaw Lew. Pero sinakyan ko nalang siya. I said na ayaw ko because Prince is my friend” sabi pa ni Blaze.
“Then how come na napunta kayo sa usapang s*x?” tanong naman ni Lexter.
“She asked me to come to with her. I know what she meant. Gusto niyang akong gamitin kapalit ang katawan niya. Gagagamitin niya ako para magtagumpay siya. Ayaw ko sana, pero sa tingin ko ay mas okay na din yun para maisip niya na kakampi niya ako para hindi na siya mag-isip ng ibang kalokohan pa” sabi ni Blaze.
“Bakit hindi mo sa amin sinabi? Nagulat pa tuloy ako kanina sa sinabi ng Jerlie na yun” sabi ko.
“I think much better na wala kayong alam para hindi magduda si Jerlie” sagot niya.
“Pero ako, alam ko na may plano ka na” sabi naman ni Prince.
“Paano mo nalaman?” takang-tanong ni Blaze.
BINABASA MO ANG
Fixing a Broken Heart [ COMPLETED! ]
عاطفيةMinsan, kung kailan masaya na tayo at parang perpekto na lahat ay doon pa bigla-bigla na lamang dumarating ang mga problema. Ang buhay ay may hangganan, pero kaya mo namang mahalin ang isang tao kahit wala na siya, 'di ba? Ibig sabihin ba 'nun may...