FABH - 71

13 0 0
                                    

~~~[ Heart Series: Volume II ]~~~

•Fixing a Broken Heart•
[ M2M Love Story ] [ BxB ]

Chapter 71

( Kaizer’s POV )

Sobrang saya ko dahil okay na kami ni Babe ko!!!!!  Ang sarap sa feeling!!!

Feeling ko ay nasa akin na ang lahat! Wala na akong mahihiling pa!

Maaga akong nagising at pumasok dahil excited na ulit akong makita si Lew.

May nakahanda din kaming song number before i-announced ang mananalo.

Walang classes today, kasi nga ngayon ang election day.

Nandito lang kami sa music hall at nagpapractice ng kakantahin namin mamaya.

Nandidito din sina Blaze at Pat.

Sina Prince at Lew naman ay wala pa. Medyo late yata sila ngayon?

Dapat 9 am ay nandito na sila. Isang oras na silang late eh.

Kanina pa nila ako tinatanong kung anong nangyari kagabi, pero hindi ko sinasabing kami na ulit ni Lew.

Balak kong gulatin sila mamaya.

“Good morning guys!” masayang bati ni Lew habang papasok.

Kasabay na niya sina Prince at Lexter.

Muntik na akong magselos kasi magkasama sila ni Prince at magka holding hands pa.

Buti nalang ay naalala kong magkapatid at kambal pa nga pala silang dalawa.

“Good morning bebe love! Late yata kayo?” tanong ni Blaze.

Bebe love? Yun ba ang tawag ni Blaze sa babe ko?

Madami pa yata akong hindi nalalaman.

Kailangan kong mag adjust at kontrolin ang sarili ko na magselos.

Dapat ay alisin ko yung selos at magtiwala lang ako kay Lew.

“Naku, Bro! Heto kasing si Twinny Princess ay dumaan pa sa mall. Na late tuloy kami” reklamo ni Prince.

Twinny Princess? Ayan na ba ang tawagan nila?

“Eh pwede namang ma-late ngayon kasi walang klase. Kagabi pa ako nagc-crave sa pizza eh” sabi ni Lew.

“Bes ha! Naglilihi ka ba sa pizza? Buntis agad, Bes?” pang-aasar ni Pat.

Nanlaki naman ang mata ni Lew sa sinabi ni Pat.

Nakakatawa kasi pulang-pula na siya.

Kitang-kita kasi maputi ang kutis niya.

Actually, ngayon ko nga lang din na realized na 80% yung similarity nila ni Prince.

Mula sa kulay ng balat at mata, sa height, sa katawan. Pati sa pagkanta ay pareho din silang marunong.

Kung magkapareho lang sila ng hairsyle at suot na damit ay talagang kambal na sila tingnan.

“Hoy, Bes! Ang dumi ng isip mo! Wala kaming ginawa ni Kaizer kagabi!” sabi ni Lew.

“Aba! Wala naman akong binanggit na name ah. Guilty, Bes?” pang-aasar pa ni Pat.

“Mukhang may nangyari nga kagabi ah” sabi naman ni Blaze.

“Pinaglilihiman yata tayo ng dalawa” sabi naman ni Phytos.

“Tama na nga iyan. Kakarating lang ng Babe ko, iniinis nyo na agad” saway ko sa kanila.

“Babe? Kayo na ba ulit?” tanong ni Oreon.

Fixing a Broken Heart [ COMPLETED! ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon