~~~[ Heart Series: Volume II ]~~~
•Fixing a Broken Heart•
[ M2M Love Story ] [ BxB ]Chapter 80
( Lew’s POV )
Two weeks na ang nakakalipas simula nung lumabas ako ng hospital.
Masasabi kong okay naman ang lahat at parang back to normal lang ang buhay.
Athough hindi na nga lang ako pinapayagang mag drive mag-isa. Hatid-sundo ako ng mga bodyguards namin.
Nung una nga ay naninibago ako kasi ang lakas maka-mayaman yung peg pero nasanay na din ako.
“Pinapatawag mo daw ako baklang president?!” mataray na sabi ni Jerlie pagpasok dito sa loob ng SC Office.
“You don’t have to be rude, Jerlie. I just asked you to come here because I need to ask you some questions” mahinahon na sabi ko dito.
“About what? Pwede pakibilisan kasi sinasayang mo ang oras ko” mataray pa ring sabi nito.
Napabuntong hininga nalang ako sa katarayan ng babae na ito.
“Okay. Can you please explain to me kung saan napunta ang mga funds na nakuha mo for the one-year of your term as SC President?” direktang tanong ko sa kanya.
Hindi naman agad siya nakaimik.
“I-I don’t know. I don’t remember. Basta lahat ng project na ginawa ko ay naka report at nasa files naman” sagot niya.
“Lahat? For one year ay dalawa lang naman ang naging project mo. First, nagpagawa ka ng isang maliit ng kubo sa garden na wala naman pwedeng gumamit kundi kayo lang ng mga kaibigan mo. And according to your report it cost 50k pesos. The second one is, you bought ten low-class type of emergency light panel for the gym that cost 45k pesos each. Both of your projects were over-priced” mahabang sabi ko dito.
“Are you accusing me na ako ang over-priced sa mga yan?! Sila yung nag bigay sa akin ng price. Hindi ko naman alam na over-priced pala yun. And I don’t even know na low quality pala yung nabili namin. Niloko pala kami nung binilhan namin” sagot ni Jerlie.
“Well, wala narin naman akong pakialam dyan dahil nandyan na yan. Wala ng habol. Pero tulad nga ng tanong ko sayo kanina. Saan napunta yung funds? Yung natitirang funds to be exact. Wala pa sa kalahati ang nagastos pero ubos yung pera” suno-sunod na tanong ko sa kanya.
Hindi siya nakaimik. Matalim lang siyang nakatitig sa akin.
“You’re doing this para gantihan ako, tama ba?” nakangising tanong niya sa akin.
“Just answer my question, Jerlie. Para matapos na itong pag-uusap natin. Just like what you have said, you are wasting my time also. So, nasaan yung natitirang mga funds?” sabi ko.
“Okay fine! Para matapos na ito. I took it! Pero huwag kang mag-aalala, babayaran ko rin yun maghintay ka lang” mataray pa ring sabi niya.
“Babayaran? When?” tanong ko naman.
“Huwag kang atat bakla. Akala ko ba ay mayaman ka na? Bakit atat ka pa rin sa salapi?” sabi nito kasabay ng nakakalokong tawa.
“I just need an assurance kaya kita tinatanong. And besides hindi ko naman kinukuha ‘yun para sa sarili ko, para ‘yun dito sa school. At binabawi ko lang din kung ano ang kinuha mo” sabi ko.
“Tulad ng pagbawi mo sa trono ko at kay Kaizer?” sarkastikong tanong niya sa akin.
“Well, you are out of the topic now. Pero pwede na din nating sabihin na parang ganun na nga” sabi ko naman.
BINABASA MO ANG
Fixing a Broken Heart [ COMPLETED! ]
RomanceMinsan, kung kailan masaya na tayo at parang perpekto na lahat ay doon pa bigla-bigla na lamang dumarating ang mga problema. Ang buhay ay may hangganan, pero kaya mo namang mahalin ang isang tao kahit wala na siya, 'di ba? Ibig sabihin ba 'nun may...