FABH - 32

3 0 0
                                    

~~~[ Heart Series: Volume II ]~~~

•Fixing a Broken Heart•
[ M2M Love Story ] [ BxB ]

Chapter 32

( Kaizer’s POV )

Hindi ako susuko. Nakikita kong mahal niya pa rin ako.

Galit lang siya at nasasaktan. Ang gago ko kasi!

Badtrip naman oh!!

Para tuloy kaming tanga ngayon dito sa canteen.

Dito pa ako sa mopping na assign.

Teka!

Bakit nakaupo sina Oreon, Phytos at Pat?

Bakit kasama nilang kumakain sina Lexter at Lew?

Bakit hindi ako kasama?

Wala akong pakialam kung hindi nila isama si Jerlie.

Pero bakit pati ako?

Nakita kong tumayo na si Lew at umalis. At nakasunod na sila dito.

Saan sila pupunta?

Pero bago pa tuluyang umalis si Lew ay tumingin siya sa akin.

Gusto ko siyang yakapin at halikan.

Pero alam kong galit pa rin siya sa akin.

Pero hindi ako susuko! Susuyuin ko siya!

Kung kailangang araw-araw ko ulit siyang ligawan ay gagawin ko para lang mahalin niya ulit ako.

Kung kailangang araw-araw akong lumuhod at magmaka-awa at maging mukhang tanga ay gagawin ko.

Para lang mapatawad niya ako.

Pero….. Saan kaya sila pupunta?

“Kaizer” tawag sa akin ni Jerlie.

“Will you please stay away from me?! I don’t want to talk to you!” sigaw ko dito.

Sa lakas ng sigaw ko ay umagaw ito ng atensyon sa lahat ng nandidito sa cafeteria.

“Bakit ba ako ang sinisisi nyo? Wala naman akong intension na makagulo” sabi ni Jerlie habang umiiyak.

Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit hindi na ako sa kanya naaawa.

Nakatingin na sa amin lahat ng nandidito? Nakakahiya!

Nagmumukha tuloy akong masama dahil umiiyak ang isang babae sa harapan ko! Kainis!

Gusto ko ng umalis at sundan kung saan papunta sina Lew. Pero hindi ko magawa.

May punishment pa ako na dapat tapusin.

Ayaw ko ng madagdagan pa ang galit sa akin si Lew.

.
.
.
.

( Lew’s POV )

Nandito kami ngayon sa parking lot, kung nasaan nakaparada ang kotse ni Lexter.

“Bes, bakit mo kami pinapunta dito?” tanong ni Pat sa akin.

“I told you na kailangan nating mag-usap” sabi ko.

“Bes, about last night gusto ko lang mala—”

“Ayaw ko ng marinig pa kung ano man ang mga nangyari kagabi. Sapat na ang mga nakita ng dalawang mata ko, at sapat na ang mga narinig ko mula kina Kaizer at Jerlie kanina” putol ko sa sasabihin sana ni Pat.

Ayaw ko na!

Masakit lang kung maririnig ko pa kung ano pa ang ibang nangyari kagabi.

Sapat na yung mga nalaman ko.

Fixing a Broken Heart [ COMPLETED! ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon