~~~[ Heart Series: Volume II ]~~~
•Fixing a Broken Heart•
[ M2M Love Story ] [ BxB ]Chapter 34
( Kaizer’s POV )
Excited na ako pumasok today.
Maghapon kong hindi nakita at nakausap kahapon si Lew.
Sobrang namimiss ko na siya.
Gusto ko siyang puntahan kagabi sa bahay nila pero nagdalawang-isip ako. Kasi alam kong galit pa siya.
Pero nagtataka ako dahil hindi na naman siya pumasok.
Pumunta ako sa SC Office pero wala din siya.
Si Lexter lang ang nakita ko dun, pero hindi ko naman kinausap dahil magkaaway kaming dalawa.
Nagkataon pa na marami kaming lessons today dahil hinabol namin yung kahapon. Kaya naman wala na akong time na hanapin pa si Lew.
Inisip ko nalang na baka may biglaang meeting na naman siya.
Lunch break namin ngayon at nandito kami sa cafeteria.
Hindi na namin kasama si Jerlie dahil sinabihan ko siya na ayaw ko na siyang makausap pa.
“So weird” biglaang sabi ni Oreon.
“Bakit naman, Hon?” tanong ni Pat.
“Hindi niyo ba nahahalata? Parang tayo ang pinag-uusapan ng mga tao ngayon?” sabi nito na pabulong sa amin.
Nilinga ko ang paligid.
Bawat matapunan ko ng tingin ay tumatahimik at umiiwas ng tingin sa akin.
Anong meron?
“Baka naman dahil sa nangyari kahapon” sabi ni Pat.
“Have you seen Lew this morning?” tanong ni Phytos.
“No. Hindi ko nga din ma-contact eh. Naka-ilang beses ko ng tinatawagan. Pero out of coverage ang phone niya” sabi ni Pat.
“Baka nasa meeting” sagot ko.
Kasi maski ako ay hindi ko rin makotak yung phone ni Lew.
“Natanong mo ba si Lexter? Hindi ko kasi nakikita ang presence niya today. Baka hindi siya pumasok, or baka may sakit” sabi ni Oreon kay Phytos.
“Okay, I’ll try to call him” sabi ni Phytos at kinuha ang phone niya.
“Hindi rin sinasagot ni Lexter ang phone niya eh” sabi ni Phytos.
“See? Huwag nyo ng istorbohin. Baka nasa meeting nga ang mga ‘yun” sabi ko sa kanila.
Ayaw na ayaw pa naman ni Lew ng naaabala.
Baka magalit na naman iyon.
Pero excited na din akong makita at makausap siya.
Napagdesisyunan ko kasi kagabi na starting today ay liligawan ko ulit siya at susuyuin.
“Hey guys! What’s up!” bati sa amin ni Jerlie.
Kasama din niya ang dalawa niyang kaibigan.
“Did I tell you that I don’t like to talk to you?” inis na sabi ko dito.
“Mapilit ka girl? Pwede bang umalis ka sa dadaanan namin!” inis na sabi din ni Pat dito.
“Chillax, okay? Nandito lang ako to ask if you already know the trending breaking news today?” nakangiting sabi nito.
“Like who cares? We don’t have time for your non-sense bullsh*t!” sabi ni Pat.
Pinababayaan ko lang siyang tarayan niya si Jerlie. Gusto ko nga yun eh.
BINABASA MO ANG
Fixing a Broken Heart [ COMPLETED! ]
RomanceMinsan, kung kailan masaya na tayo at parang perpekto na lahat ay doon pa bigla-bigla na lamang dumarating ang mga problema. Ang buhay ay may hangganan, pero kaya mo namang mahalin ang isang tao kahit wala na siya, 'di ba? Ibig sabihin ba 'nun may...