~~~[ Heart Series: Volume II ]~~~
•Fixing a Broken Heart•
[ M2M Love Story ] [ BxB ]Chapter 48
( Lew’s POV )
Ilang araw na din na nandidito si Blaze, at wala pa yatang balak na umuwi.
Pero okay lang din naman kasi masaya ako na nandidito siya.
“Joem, wala ka na bang dadating na ibang guest? Sayang naman yung dalawa pang bakanteng room” sabi ko dito.
Ayaw ko na sanang magkaroon ng iba pang guest kasi masaya na akong si Blaze yung naririto.
Pero naisip ko din yung kikitain namin kung may ibang guest pa na darating.
Kailangan din kasi naming kumita ng malaki this summer. Sayang yung pagkakataon.
Wala ngayon si Blaze. Hindi namin alam kung saan nagpunta. Basta mamasyal daw siya.
Sinasama nga kami, pero syempre ay hindi naman kami pwedeng sumama.
Si Joem kasi ay magsa-sideline pa. Ako naman syempre ay dito sa bahay at nagbabantay ng tindahan.
“Ha? Hindi ko ba nasabi sayo? Naka reserved na yung dalawang room nung isang araw pa” sabi ni Joem.
Nandito lang kaming dalawa sa labas ng tindahan namin habang hinihintay ang oras ni Joem para umalis.
“Wala ka namang sinasabi eh. Buti walang nag-inquire sa akin kundi nakakahiya” sabi ko.
“Sorry naman, Bebe love. Ang akala ko kasi ay nasabi ko na sayo. Kinausap lang ako nung nasa bayan ako. Nag-bayad na nga ng down” sabi naman ni Joem.
“Sino daw? At anong itsura?” tanong ko.
“Hindi ko nakita yung mismong nagpareserved. Driver lang niya ang nakausap ko at nagbigay ng bayad. Kasi hindi naman sila bumaba ng van” sagot ni Joem.
“Sila? Ibig sabihin madami sila?” tanong ko.
“Siguro. Tinted yung van eh. Kaya hindi ko nakita yung loob. Pero baka marami sila kasi dalawang rooms ang kinuha” sagot nito.
Wow ha! So ibig sabihin magiging busy ako pagdating nila.
Katulong at kusinera ako nito for sure.
“So, kailan daw ang dating nila dito?” tanong ko.
“Walang sinabi eh. Pero bahala sila. Kapag wala pa sila ng isang linggo ay pwede ko ng ibigay sa iba yung room. Iyon ang usapan namin eh” sabi nito.
“Ahh, ganun ba? Kailangan ko palang mag relax ngayon kasi mukhang madami tayong magiging bisita” sabi ko.
“Don’t worry , kapag madami sila ay hindi na ako aalis para may kasama ka dito. At saka nandyan naman ang mga pamangkin ko at sila kuya, sila ang katulong ko kapag marami akong guests dati” sabi nito.
“Ganun ba? Hindi naman pala tayo ganun kapagod pala” sabi ko.
“Oo naman. Kaya relax ka lang, marami tayong back-up. At saka kapag madami sila , iba na ang bayad… mas mataas. Kaya mas malaki ang kita natin” sabi nito.
“Ganun pala yun? Ayos pala. Magtawag pa tayo. Ipagamit pa natin yung kwarto ko” sabi ko naman.
Sayang din kasi ang pera, di ba?
“Baliw! Okay na yung tatlong room. Sapat na yun sa atin. Bigyan naman natin ng hanap-buhay yung iba” natatawang sabi nito.
“Ay, sorry naman” sabi ko nalang.
BINABASA MO ANG
Fixing a Broken Heart [ COMPLETED! ]
RomanceMinsan, kung kailan masaya na tayo at parang perpekto na lahat ay doon pa bigla-bigla na lamang dumarating ang mga problema. Ang buhay ay may hangganan, pero kaya mo namang mahalin ang isang tao kahit wala na siya, 'di ba? Ibig sabihin ba 'nun may...