~~~[ Heart Series: Volume II ]~~~
•Fixing a Broken Heart•
[ M2M Love Story ] [ BxB ]Chapter 14
( Lew’s POV )
“Baliw ka talaga! Pinagod mo si Prince!” sabi ko kay Kaizer sabay pingot ko dito.
Nakakainis kasi dinamay pa ako.
Pero to be fair naman ay tawa lang kami ng tawa ni Prince habang ginagawa niya yung challenge ni Kaizer sa kanya.
Nagtawanan naman ang iba pati narin si Prince fahil sa ginawa ko kay Kaizer.
“Aray ko, Babe! Consequence nga, di ba? Kung madali yun bakit pa tatawaging consequence?!” sabi ni Kaizer habang hinihimas yung tenga niya na napingot ko. Napalakas yata.
“Sinisigawan mo ako?!” sigaw ko rin sa kanya.
“Hindi, Babe. Nagpapaliwanag lang” sabi nito na pinalambing pa ang boses.
“Good. Don’t worry Prince. Gaganti tayo” sabi ko naman.
“Aba may pagbabanta. Competitive lang Bes? May premyo?” sabi ni Pat.
“Basta. Okay ako na ang kakanta ‘di ba? Humanda ka” sabi ko kay Kaizer.
“I’m always ready, Babe. Anytime” sabi ni Kaizer at kumindat pa.
Ang manyak lang ng pagkakasabi niya. Double meaning sa akin.
Pero syempre dedma ko nalang. Kailangang matalo ko siya.“Game. Ehemn! ♫ Keep bleeding, keep keep bleeding in love. I keep bleeding keep keep bleeding in love ♫” kanta ko.
Next na si Kaizer.
Sana wala siyang maisip na kanta.
Last word is: Love.“♫ Love is all that matters, faithful and forever ♫” kanta naman ni Kaizer.
Kainis!
Madali nga lang pala at napaka common ng word na love sa mga kanta. Nakaligtas tuloy si Kaizer sa parusa.
Ang next ay si Oreon na parang hindi naman kinakabahan.
Last word is: Forever.“♫ Forever young, I wanna be forever young. Do you want to live forever and ever ♫” kanta ni Oreon.
Next ay si Pat na halatang tarantang nagiisip.
Last word is: Ever.“Ahm.. wait…. Ahm. Ever... ever,,, ahmmm.. ♫… ever you’re in my arms again. This time I love you much better! ♫” kanta ni Pat na tuwang-tuwa dahil nakalusot siya.
Next naman ay si Phytos na problematic.
Last word is: Better.“Better…Hmmmm…Better… Aha!.. ♫ Better place, for you and for me and the entire human race! ♫” kanta ni Phytos na may pagpalakpak din.
Ang gagaling naman nila.
Ako nga eh wala agad akong maisip dun. Buti nalang talaga ay ako ang nauna ngayong round dahil kung hindi ay paniguradong talo ako.
Next na si Lexter.
Last word is: Race.“Race?! Wala namang kanta na may ganyan lyrics!” inis na sabi ni Lexter.
Nakakatawa dahil hindi pa man kami nagka-countdown ay mukhang suko na siya.
Pero syempre ay kailangan namin siyang bilangan to be fair na din. Tawanan at palakpakan kami dahil si Lexter na ang mapaparusahan. Naka ligtas kami sa second round.
“Ang daya naman kasi! Sa race pa nagtapos! Pwede namang ituloy sa may mas common na lyrics” reklamo pa ni Lexter.
“Meron naman eh. Yung ‘The Race’ ni Wiz Khalifa” sabi ni Phytos.
BINABASA MO ANG
Fixing a Broken Heart [ COMPLETED! ]
RomanceMinsan, kung kailan masaya na tayo at parang perpekto na lahat ay doon pa bigla-bigla na lamang dumarating ang mga problema. Ang buhay ay may hangganan, pero kaya mo namang mahalin ang isang tao kahit wala na siya, 'di ba? Ibig sabihin ba 'nun may...