~~~[ Heart Series: Volume II ]~~~
•Fixing a Broken Heart•
[ M2M Love Story ] [ BxB ]Chapter 81
( Lew’s POV )
“Kaizer, help me please! Gusto akong patayin ni Lew!” sumbong ni Jerlie.
Iyak siya ng iyak at duguan na rin siya.
“F*ck-off!” galit na sigaw ni Kaizer kay Jerlie at nilapitan ako.
Kasunod naring lumapit sa akin sina Blaze, Pat, Phytos at Oreon.
“Are you okay, Babe?” nag-aalalang tanong ni Kaizer sa akin.
“Yeah, I’m fine” sagot ko naman.
“Baliw ka na ba?! Gusto akong patayin ng tao na yan pero siya pa ang inaaalala mo?! Don’t you see that I’m bleeding? Sinaksak niya ako!” galit na sigaw ni Jerlie.
“Stop it, Jerlie. It’s over. Game over ka na” sabi ko.
“Ikaw ang baliw na gaga ka! Kung hindi ka lang duguan dyan e kanina pa kita sinabutan!” galit din na sabi ni Pat.
Kitang-kita naman ang galit sa mukha ni Jerlie.
“Nakikita nyo ba? Pinagkaka-isahan nila ako! Plinano nila na patayin ako!” sigaw ni Jerlie sa mga ibang estudyante na naroroon.
Nakatingin lang naman sila kay Jerlie.
“I said stop this Jerlie! Tapos na ang palabas mo. Alam na ng lahat kung ano ang tunay mong pagkatao” sabi ko.
“W-what do you mean?” takang tanong niya.
“Narinig at nakita ng lahat ang pinag-usapan natin mula sa umpisa hanggang sa lumabas ka ng office ko” sabi ko sa kanya.
Maikli lang yung paliwang ko pero alam kong naiintindihan na niya ang nangyayari at mangyayari pa.
That’s right!
We planned all of this para sa gagawing kong interrogation kay Jerlie.
Nagpalagay ako ng hidden cameras sa loob at labas ng SC Office.
May nakakabit ding mga microphones dito. At naka connect ito sa bawat speakers at TV ng buong university.
Mayroon sa bawat classrooms, offices, gym at sa cafeteria. Kaya naman nakita at nadinig ng lahat ang mga pangyayari.
Actually, yung plano lang namin ay ang makakuha ng ebidensya tungkol sa nawawalang funds.
Yung about sa mga taong nagbalak pumatay sa akin ay naghahanap pa kami ng tyempo para paaminin si Jerlie.
Pero dahil sa biglang inamin ni Jerlie ang mga ginawa niya dati at pagsisinungaling na may nangyari sa kanila ni Kaizer dati, ay nakakuha ako ng pagkakataon.
At umayon naman sa amin ang tadhana. Inamin lahat ni Jerlie ang kanyang mga ginawa.
“No! This can’t be! This is not happening…. I’m just dreaming!” sabi pa ni Jerlie habang sinasampal-sampal ang sarili.
“Baliw!”
“Sinungaling!”
“Manloloko!”
“Mamatay tao!”
“B*tch!”
“Crazy!”
“Ikaw ang bobo!”
Ilan lang yan sa mga sinisigaw sa kanya ng tao na nakapaligid sa amin.
BINABASA MO ANG
Fixing a Broken Heart [ COMPLETED! ]
عاطفيةMinsan, kung kailan masaya na tayo at parang perpekto na lahat ay doon pa bigla-bigla na lamang dumarating ang mga problema. Ang buhay ay may hangganan, pero kaya mo namang mahalin ang isang tao kahit wala na siya, 'di ba? Ibig sabihin ba 'nun may...