~~~[ Heart Series: Volume II ]~~~
•Fixing a Broken Heart•
[ M2M Love Story ] [ BxB ]Chapter 39
( Lew’s POV )
“Kanino daw galing?” tanong ni Joem.
Nakatingin lang siya sa aking habang binabasa ko yung notes.
“Hindi ko din alam kung sino ito” sagot ko at inabot ko ang note sa kanya para mabasa niya.
Sino yung 👑K? At bakit niya ako binigyan?
Oh my! Oh my!
Sana mali ang nasa isip ko!
“Duwag naman pala ang manliligaw mo na yan. May pa secret secret admirer pang nalalaman” sabi ni Joem.
“Tse! Kainin na nga lang natin itong chocolate. Mukhang masarap eh at parang nalulusaw na” sabi ko nalang.
Binuksan ko agad yung chocolate at hati naming kinain ni Joem.
Sarap na sarap naman si mokong!
First time niya daw makakain ng ganung chocolate. Hindi niya nga daw alam na may white palang chocolate.
Natawa nalang ako.
Pero ako din, first time ko din makakain ng ganitong kasarap na chocolate eh.
Saan kaya nakakabili nito dito?
Mukhang mawiwili akong kumain nito. New favorite ko na ito simula ngayon.
“Sana lagi siyang magbigay para palagi tayong may chocolate, bebe love” sabi ni Joem.
“Abuso! Pero sana nga din. Masarap eh!” sabi ko naman.
Para kaming mga bata na sabik na sabik at sarap na sarap sa pagkain ng chocolate.
.
.
.
.( Someone’s POV )
Nandito ako ngayon sa isang probinsya kung saan nalaman ko na nandito pala ang hinahanap ko… si Lew.
Pero sino ang kasama niya? Kailangan kong mag-imbestiga sa mga susunod na araw.
Naka motor lang ako at pabalik na ako sa hotel na tinutuluyan ko na malapit sa bayan ng may medyo katangahang babae ang biglang tumawid at muntik ko ng mabangga!
“Hoy! Hindi ka ba marunong mag-ingat! Papatayin mo ba ako?!” mataray na sabi nito sa akin.
Clown ba itong nasa harapan ko? Pang comedy ang itsura ng make-up niya eh.
“Ikaw ang biglang tumawid, miss” sagot ko dito.
“Aba! Bastos ka talaga! Hindi ka lang ba marunong mag-sorry?” tanong nito sa akin.
Gusto ko talagang matawa sa itsura niya.
Mabuti na lamang ay naka helmet ako kaya hindi niya napapansin na natatawa ako.
“Eh di sorry. Okay na? Pwede na ba akong umalis?” sabi ko dito.
“Hindi pwede! Ipapabaranggay kita! Taga dito ka ba? Mukhang dayo ka lang dito sa amin ah!” mataray na sabi nito.
Medyo naalarma naman ako sa sinabi niya.
Alam kong malulusutan ko naman in case na ipabaranggay niya ako. Pero hindi pwede.
“Sorry na nga. Ano ba ang gusto mo? Pera?” tanong ko dito.
Baka katulad lang sa siya ng ibang taga-Manila. Mag-iiskandalo para mabayaran.
BINABASA MO ANG
Fixing a Broken Heart [ COMPLETED! ]
RomanceMinsan, kung kailan masaya na tayo at parang perpekto na lahat ay doon pa bigla-bigla na lamang dumarating ang mga problema. Ang buhay ay may hangganan, pero kaya mo namang mahalin ang isang tao kahit wala na siya, 'di ba? Ibig sabihin ba 'nun may...