~~~[ Heart Series: Volume II ]~~~
•Fixing a Broken Heart•
[ M2M Love Story ] [ BxB ]Chapter 51
( Kaizer’s POV )
“My gosh, Kaizer! Ilang araw na tayong paikot-ikot dito pero hindi pa din natin nakikita si Bes!” naiinis na sabi ni Pat sa akin.
Alam kong pati sina Phytos at Oreon ay naiinis na din.
Paano ba naman ang buong akala ko ay makikita na namin si Lew dahil akala ko ay nandito siya… pero wala naman pala.
“Sorry guys. Dinamay ko pa kayo” sabi ko.
Napasandal ako sa upuan. At hinilamos ko ang mukha ko gamit ang mga palad ko.
Sa totoo lang ay napapagod na din ako.
Parang pinanghihinaan na ako ng loob.
Parang hindi na kami magkikita pa ni Lew.
Halos araw-araw kasi naming hinahanap si Lew.
Pinuntahan na namin isa-isa ang mga barangay dito pero wala talaga. Wala kaming nahanap na Lew.
Kaya heto kami ngayon, nandito sa isang bar.
Umiinom ako para kahit papaano ay malibang naman at pampatanggal ng stress na din.
“It’s okay, Bro. Malay mo naman ay baka sa bukas o kaya sa ibang araw ay makita na natin siya” sabi ni Phytos.
Tinapik-tapik pa niya ang balikat ko.
“Sorry, Kaizer. Alam kong higit sa lahat sa atin dito ay ikaw ang mas nahihirapan” sabi naman ni Pat.
“I think we should better get home” sabi ko.
“Sige para makapagpahinga ka na rin muna. Bukas nalang ulit tayo maghanap” sabi ni Oreon.
“No. I mean sa Manila. Uuwi na tayo ng Manila bukas” sabi ko.
“What? Papaano si Lew? Hahanapin pa natin siya, di ba?” sabi ni Phytos.
“He’s not here! Kung nandidito siya ay matagal na natin siyang nakita!” sigaw ko dito.
“Relax, Bro. Hindi pa naman natin napupuntahan lahat ng barangay dito. Malay mo naman bukas ay makita na natin siya” sabi ni Oreon.
“Are you not listening? Wala dito si Lew! Niloko tayo! Niloko ako!” galit na sabi ko.
F*cksh*t!
Parang may nanggagago sa akin! May nanloloko!
How come na mali daw yung impormation na binigay ko? Kaya ibang tao ang napagkamalan niya?
“Tama si Kaizer. Niloko lang siya ng source niya. Baka pinerahan lang siya” sabi ni Pat.
“Imposible yan, Hon. Matatakot silang gawin yun kay Kaizer. Isang Montenegro si Kaizer kaya matatakot sila na gawin yan” sabi ni Oreon.
“Or else, because of the money?” sabi ni Phytos.
Napatingin naman kami sa kanya.
Anong ibig niyang sabihin?
“What, do you mean?” tanong ko dito.
“I’m not sure. But I think there is someone or somebody behind to all of this. Hindi ko alam kung ano yung purpose niya at kung bakit niya ginawa ito. Pero sa tingin ko he or she doubled up the amount of money sa source mo to give you a false report” sabi ni Phytos.
Well, he has a point. Pwede din nga naman na mangyari yun.
Pero bakit?
Bakit may gumagawa sa amin nito?
BINABASA MO ANG
Fixing a Broken Heart [ COMPLETED! ]
RomanceMinsan, kung kailan masaya na tayo at parang perpekto na lahat ay doon pa bigla-bigla na lamang dumarating ang mga problema. Ang buhay ay may hangganan, pero kaya mo namang mahalin ang isang tao kahit wala na siya, 'di ba? Ibig sabihin ba 'nun may...