~~~[ Heart Series: Volume II ]~~~
•Fixing a Broken Heart•
[ M2M Love Story ] [ BxBChapter 49
( Lew’s POV )
“Hi, Lew! Surprised?” ---
Nakangiting bati sa akin ng isang taong kilalang-kilala ko na kay tagal ko ng hindi nakita.
“Priiiinceeeee!!!” pasigaw-tili kong tawag sa pangalan niya.
Patakbo ko siyang nilapitan sa kaagad kong niyakap.
Yakap na sobrang-higpit!
Yakap na dala ng labis na kasiyahan!
Sobrang na miss ko ang taong ito!
“My gosh, Prince! Na miss talaga kita! Sobra! As in sobra!!!” sabi ko dito habang nakayakap pa rin sa kanya.
“I really miss you too, Princess” sabi naman nito na natatawa.
“Kainis ka! Namiss ko yan na tawagin mo akong Princess” sabi ko dito sabay pagpalo sa balikat niya.
Hindi ko namalayan na may luha na pala ang mga mata ko.
Naramdaman ko nalang na basa na ang pisngi ko.
Luha ng kasigayahan ito.
Dahil hindi ko iniexpect na makikita ko ulit si Prince. At dito pa talaga!
“Ehemn! Nandito din ako Lew ha” sabi naman ng kasama niya.
Na walang iba kundi si Lexter.“Naku, Lexter! Isa ka pa! Nanggugulat kayo!” sabi ko sabay yakap ko din sa kanya.
Haaaay! Namiss ko din siya.
As in! Na-miss ko ang dalawang mokong na ito!
“Na miss din kita, Lew” sabi ni Lexter.
“Eh, syempre mas na miss kita. Kayong dalawa” sabi ko naman.
“Tama na yan, pumasok muna kayo sa loob at ng makakain” sabi ni Blaze.
“Hey, Bro! Kumusta?” sabi ni Lexter dito.
Nag-apiran pa sila at hug din. Ganun din ang ginawa ni Prince.
“I’m fine. Sa loob na tayo mag-usap at mukhang madaming kaming tanong sa inyong dalawa” sabi ni Blaze.
“Teka, may kasama pa ba kayo?” tanong ni Joem.
“Ah, wala. Just the two of us. By the way, I’m Prince” pagpapakilala ni Prince kay Joem sabay lahad ng kamay.
“Joem, tol” sagot naman nito.
“Lexter, Bro” sabi naman ni Lexter at nagkamayan din silang dalawa.
“Yung mga gamit nyo nga pala?” tanong ko.
“Mamaya na yan. Kumain na muna tayo kasi lalamig ang niluto ko” sabi ni Blaze.
Pumasok na kaming lahat sa loob ng bahay.
Gosh! Reunion ba ito? Nakakaloka!!!
Unexpected guests ang mga mokong na ito!
Umupo na sila Lexter at Prince. Kami namang tatlo ang naghanda ng mga pagkain.
“Magsabi nga kayong dalawa ng totoo? Alam nyong nandidito ako, ano?” tanong ko kina Prince at Lexter habang kumakain kami.
“Honestly, yes. Balak talaga naming i-surprised ka” natatawang sabi ni Prince.
Na-miss ko yung mga tawa niya.“At talagang na-surprised nyo naman ako! Parang si Blaze din lang nung unang kita ko sa kanya” sabi ko.
“Hahaha! Yeah, I remember that day. Natulala ka sa akin” natatawang sabi ni Blaze.
BINABASA MO ANG
Fixing a Broken Heart [ COMPLETED! ]
RomanceMinsan, kung kailan masaya na tayo at parang perpekto na lahat ay doon pa bigla-bigla na lamang dumarating ang mga problema. Ang buhay ay may hangganan, pero kaya mo namang mahalin ang isang tao kahit wala na siya, 'di ba? Ibig sabihin ba 'nun may...