~~~[ Heart Series: Volume II ]~~~
•Fixing a Broken Heart•
[ M2M Love Story ] [ BxB ]Chapter 47
( Lew’s POV )
“Nakatanggap ka na naman pala ng regalo mo dun sa 👑K na ‘yun?” tanong sa akin ni Blaze.
Naikwento ko kasi sa kanila kanina, and as usual nagpaligsahan na naman sila kung si Prince o si Kaizer ba ang nagpapadala ‘nun.
Nandito kami sa labas ng bahay at nagpapahinga.
It’s already 10 in the evening na pero hindi man lang kami nakakaramdam ng antok.
“Mabuti pa para may kwenta ang usapan natin eh mag-inuman nalang tayo” biglang sabi ni Joem.
“Inuman? Hoy, Joem! May trabaho ka pa bukas! At saka kailangan na ni Blaze magpahinga at matulog ng maaga” sabi ko kay Joem.
Ang hilig talaga sa alak ng mokong na ito!
“I think that’s a good idea. I can sleep all day tomorrow. Marami pa namang araw para mag-tour” sabi ni Blaze.
“Ayos! Hindi na din muna ako pupunta sa resort bukas. Sige. Ako na maghahanda ng iinumin natin” sabi naman ni Joem.
Hay! Ang mokong na ito.
Kapag alak talaga ng usapan ay napakabilis! Hindi na ako nakapalag eh!
Tulad ng dati, isang pitsel na alak ang dala niya.
Pero alam kong mapapasabak ako ngayon sa inuman. May dalang pang isang case na bulldog na RH eh.
“Wow! Ang dami naman niyan, Bro!” natatawang sabi ni Blaze.
“Huwag kang mag-alala, tol. Kaya natin ito. At saka libre ito. Hindi mo babayaran” sabi ni Joem na natatawa habang hinahanda ang lamesang pag-iinuman namin.
Tumulong na din ako.
Naglabas na din ako ng ilang crackers at peanuts bilang pulutan.
Tapos nilabas ko na din yung tira naming ulam na caldereta para pampulutan na din.
At iyon na nga, isang mahaba-habang inuman ang nagaganap!
“Ah, Lew. Kailan mo balak bumalik na Manila?” tanong ni Blaze sa akin.
Medyo marami-rami narin ang naiinom namin. Pero hindi pa naman kami ganun kalasing.
“Ahm. Baka before mag pasukan. Para mabisita ko din ang pinsan ko sa dati naming bahay” sagot ko sa kanya.
“How about to see your friends? May plano ka ba?” tanong parin ni Blaze.
“As for now, wala pa. But if ever ay kay Pat or kay Lexter ko muna gustong makipagkita” sagot ko Blaze.
“Eh yung ex mo, Bebe love? Pupuntahan mo ba?” tanong naman ni Joem.
“Hindi na siguro. Wala namang reason pa para mag-usap pa kami” sagot ko kay Joem.
“Do you have closure?” si Blaze.
“I told him that it’s over, pero hindi siya pumayag” sagot ko.
“So, that is not a closure. Walang official na break na kayo” sabi ni Blaze.
“For him, maybe. Pero para sa akin ay tapos na kami’ sabi ko at lumagok ako ng alak sa baso.
“Eh, ikaw tol? May syota ka na ba?” tanong naman ni Joem kay Blaze.
Salamat naman kay Joem dahil naiba ang topic. Puro nalang kasi ako eh.
BINABASA MO ANG
Fixing a Broken Heart [ COMPLETED! ]
RomanceMinsan, kung kailan masaya na tayo at parang perpekto na lahat ay doon pa bigla-bigla na lamang dumarating ang mga problema. Ang buhay ay may hangganan, pero kaya mo namang mahalin ang isang tao kahit wala na siya, 'di ba? Ibig sabihin ba 'nun may...