~~~[ Heart Series: Volume II ]~~~
•Fixing a Broken Heart•
[ M2M Love Story ] [ BxB ]Chapter 70
( Lew’s POV )
Marami pa kaming napagkwentuhan ni Kaizer.
Ang dami niya kasing tanong tungkol sa mga nangyari sa akin nung umalis ako.
“Babe kumusta na nga pala si Baby KaiLew?” maya-maya ay tanong sa akin ni Kaizer.
Nakaupo ako sa sofa, samantalang siya naman ang nakahiga sa mga hita ako.
Sa totoo lang ay parang nabibilisan ako sa pangyayari. Pero kasi mahal ko siya eh.
Kahit na nagkamali siya before ay humingi naman siya ng sorry.
Nakikita ko din naman na sincere siya.
At saka enough na sa akin na malamang hindi siya sumukong hanapin ako at maghintay at umasa na babalik ako.
“Ha? Ah..Eh.. nasa bahay. Nandun sa kwarto ko” pagsisinungaling ko.
Baka kasi magalit o kaya ay magtampo pa ang mokong kung sasabihn kong naitapon ni RyRy.
“Nice. Namimis ko na si baby KaiLew eh. Next time pahiram muna ako ha. Ako muna mag-aalaga sa baby natin” sabi niya.
“Ahhh. O-okay.. sure” sabi ko naman.
“Wait lang. May ibibigay nga pala ako sayo” sabi niya.
Tumayo muna siya ay may kinuha sa small locker dun. Pagbalik niya ay inabot niya sa amin ang isang maliit na pouch.
“Ano ‘yan?” tanong ko.
“Just open it” nakangiting sabi niya.
Binuksan ko nalang at nakita ko ang isang silver necklace. Half heart-shape iyon na may nakasulat na KAI.
“That’s for you. Heto naman ang para sa akin” sabi niya sabay pakita ng necklace na suot niya pala.
Hindi ko agad napansin kasi nakatago sa loob ng suot niyang t-shirt. Same design lang pero Lew ang nakasulat sa kanya.
“Couple talaga?” nakangiting sagot ko.
Ngumiti lang naman siya at kinuha niya ang kwintas at siya na ang nagsuot sa akin.
“Alam mo matagal ko na sanang ibibigay ito sayo. Binili ko ito bago ako pumunta ng Mindanao. Nung akala ko na nandun ka, pero wala naman pala” sabi niya habang sinusuot ang kwintas sa kin.
“Salamat” sagot ko nalang.
“Ikaw? Wala ka bang ibibigay sa akin?” tanong niya naman.
“Ha? W-Wala eh. Hindi ko naman kasi alam na magkakabati agad tayo. Hindi ako nakabili” sabi ko naman.
“Sigurado ka?” tanong niya.
“Oo nga. Next time nalang” sabi ko.
“Weehh? Nakabili ka na eh” sabi niya na may nakakalokong ngiti.
Ano bang pinagsasabi ng mokong na ito? Wala naman talaga kong binili.
“Wala nga. Ang kulit mo naman” sabi ko.
“Meron eh. Yung bracelet” nakangiting sabi nito.
Bracelet?
Ano bang bracelet ang pinagsasabi ng mokong na ito?
“Anong bracelet yun?” naguguluhang tanong ko.
“Yung ibibigay mo dapat sa akin nung 4th anniversary natin” sabi niya.
BINABASA MO ANG
Fixing a Broken Heart [ COMPLETED! ]
RomanceMinsan, kung kailan masaya na tayo at parang perpekto na lahat ay doon pa bigla-bigla na lamang dumarating ang mga problema. Ang buhay ay may hangganan, pero kaya mo namang mahalin ang isang tao kahit wala na siya, 'di ba? Ibig sabihin ba 'nun may...