~~~[ Heart Series: Volume II ]~~~
•Fixing a Broken Heart•
[ M2M Love Story ] [ BxB ]Chapter 65
( Lew’s POV )
“B-Babe?” takang-tanong na tawag sa akin ni Kaizer.
Pero hindi ko siya pinansin.
Honestly kanina ko pa gustong magpakita. Pero pinigilan lang ako ni Blaze.
Sabi niya kasi ay maghintay pa muna ako kung ano ang mangyayari.
“What are you doing here?! Bakit ka naka uniform ng school namin?” mataray na tanong ni Jerlie sa akin.
Nakikita ko pa din ang lisik ng mga mata niya.
“School natin” pagtatama ko sa sinabi niya.
Idiniin ko talaga yung word na ‘natin’.
Lumapit naman sa akin sina Pat, Phytos at Prince.
Nakikita naman sa gilid ng mata ko ang naguguluhang anyo ni Kaizer.
“At kailan ka pa nakapasok? Baka naman outsider ka? Pwede kitang ipakaladkad sa mga guard ngayon din” banta ni Jerlie.
“Akala ko ba matalino ka? What’s the point na naging SC President ka pa kung hindi mo alam ang nangyayari sa paligid mo? Nakakatawa ka naman dahil hindi mo alam na dito na ulit ako pumapasok, simula palang nung pasukan” sabi ko sa kanya.
“Matagal kana palang nandito? At hindi ka man lang nagpakita sa amin?” tanong ni Kaizer.
Ayaw ko siyang tingnan. Ni ayaw ko siyang kausapin.
“So, this your plan? Ang gulatin ako?” sarkastikong sabi ni Jerlie.
“Bakit nagulat ka ba?” nakangising tanong ko dito.
“Tama ka. Nagulat nga ako dahil hindi ko nalaman na may basura na palang nakapasok sa campus. Kaya pala parang mabaho” sabi ni Jerlie.
“Baka naman sarili mo ang naaamoy mo? Remember, mas mabaho ka pa sa akin” sabi ko.
“Ang kapal mo! Sino ba ang pinagmamalaki mo? Si Prince? Pareho lang kayong basura! Mga mapagpanggap!” sabi ni Jerlie.
“We are not the one who is pretending here. Baka naman ikaw?” sabi ko.
“I don’t know what you’re saying. Let’s go girls! Nagsasayang lang tayo ng oras dito” sabi ni Jerlie kina Liliy and Beth.
“Bakit ka aalis? Natatakot ka ba sa akin? Natatakot ka ba na mapabagsak kita?” sabi ko dito na may paghahamon ang tono.
Napatigil naman siya sa paglakad at tiningnan ako ng masama.
“At sino ka naman para katakutan ko? You are just a piece of sh*t na pakalat-kalat! Isa ka lang basura!” sabi nito.
“Baka ang basurang tinatawag mo ang maka-agaw ng trono mo” sabi naman ni Pat sa kanya.
“Umagaw ng trono ko? Nagpapatawa ka ba?” sarkastikong sabi nito kay Pat.
“Hindi ka naman siguro bingi para hindi madinig ang sinabi ni Pat, di ba?” sabi naman ni Prince.
“Don’t tell me gusto mong agawin ang trono ko as the SC President?” tanong ni Jerlie sa akin.
“No. I just want to take it back. Sa akin iyang trono, pinahiram ko lang sayo” sagot ko dito.
“Nice try, Lew. But you are late. Tapos na ang filing of candidacy. Tulungan mo nalang ang amo mong si Prince na manalo, kawawa naman kasi baka walang bumoto” sabi nito sa akin.
BINABASA MO ANG
Fixing a Broken Heart [ COMPLETED! ]
RomanceMinsan, kung kailan masaya na tayo at parang perpekto na lahat ay doon pa bigla-bigla na lamang dumarating ang mga problema. Ang buhay ay may hangganan, pero kaya mo namang mahalin ang isang tao kahit wala na siya, 'di ba? Ibig sabihin ba 'nun may...