~~~[ Heart Series: Volume II ]~~~
•Fixing a Broken Heart•
[ M2M Love Story ] [ BxB ]Chapter 36
( Lew’s POV )
Kinabukasan ay agad akong pumunta sa school na lilipatan ko. Sayang kasi ang oras.
Kumpleto naman ang mga papers ko at maganda ang mga records at grades ko kaya wala akong naging problema.
Public school ito kaya naman hindi ganun kahirap ang schedule.
Sa monday na daw ako bumalik tapos deretcho regular class na.
Lahat naman ng units ay pasok at credited kaya halos regular class din ang pasok ko.
But unlike sa EMU, four times a week lang ang pasok ko. Monday to Thursday, from 10 am to 5 pm.
Okay na din dahil hindi kailangang gumising ng maaga.
Bumili na din ako ng uniform sa proware section ng school. Hindi naman ganun kalakihan ang school at mukhang hindi ganun karami ang estudyante dito.
Napansin ko din na napakaliblib pala ng lugar na ito.
Medyo limot ko na din kasi ito, kasi nung bata pa ako ay akala ko ay normal lang yung ganitong lugar.
Pero dahil nasanay ako at lumaki na sa Manila ay nakakapanibago pala.
Napakaliblib ng lugar at napakapayak ng pamumuhay nila dito.
Halos tanaw na tanaw ko na ang bundok. Wala ding mga magagarang sasakyan.
Tanging mga tricycles, motors at bikes lang ang malimit kong nakikita sa daan. Bihira nga lang akong makakita ng mga dyip na dumadaan, at hindi pa iyon pampasahero kundi gamit nila para sa mga kanilang mga produkto na ibbenta siguro sa ibang lugar.
Mayroon pa ngang mga kalabaw at parang ito ang kalimitang ways of transportation ng ilang mga tao dito.
Hindi ko akalain na may nag eexist pa palang ganitong lugar sa panahon ngayon.
Ang akala ko ay sa mga aklat ko lang makikita ang ganito. Hindi ko akalaing mararanasan ko ito ngayon.
Isang payak, tahimik, mapayapa at malinis na pamayanan.
“Bebe love, bakit hindi ka man lang nagpasama sa amin? Bigla-bigla ka nalang umalis kanina” salubong ni RyRy sa akin pagkadating ko sa bahay.
“Madali lang naman puntahab eh. Nagtanong-tanong lang naman ako, kaya madali kong natunton ang lugar” paliwanag ko.
“So, kailan daw ang start mo?” tanong ni RyRy.
“Sa monday pa. Kaya ilang araw pa akong tambay” sagot ko.
“Ayos yan, may time ka pa para mag ikot-ikot dito” singit naman ni Joem.
Hindi ko talaga siya feel. Nayayabangan ako sa kanya. Feeling close kasi eh.
“Wala akong time dyan. At saka dito naman na ako titira, di ba? Sooner or later ay magiging familiar na din ako sa mga lugar dito at kakasawaan ko na din” sagot ko dito.
“Mabuti pa, kayo na lang dalawa ang pumunta sa palengke para sa tanghalian natin” sabi ni RyRy.
“Bakit hindi ka ba sasama?” tanong ko dito.
“May pupuntahan pa ako eh. Pero by lunch ay nandito na din ako siguro” sagot naman ni RyRy.
Hindi ko na siya tinanong pa.
Badtrip naman kasi. Makakasama ko ang mayabang na si Joem!
Sabagay, kailangan ko na din siguro mag adjust kasi kapag bumalik na si RyRy sa Manila ay kami nalang dalawa araw-araw magkikita at magkakasama.
BINABASA MO ANG
Fixing a Broken Heart [ COMPLETED! ]
RomanceMinsan, kung kailan masaya na tayo at parang perpekto na lahat ay doon pa bigla-bigla na lamang dumarating ang mga problema. Ang buhay ay may hangganan, pero kaya mo namang mahalin ang isang tao kahit wala na siya, 'di ba? Ibig sabihin ba 'nun may...