FABH - 11

3 0 0
                                    

~~~[ Heart Series: Volume II ]~~~

•Fixing a Broken Heart•
[ M2M Love Story ] [ BxB ]

Chapter 11

( Lew’s POV )

“Bessssssss!! Helllppppppp!! Tuuuuuloooonggggggggg!!!!!!!” sigaw ni Pat na nagpatigil sa halikan namin ni Kaizer.

Nakita kong hila-hila nila Oreon at Phytos si Pat papunta dito sa amin.
Natatawa ako dahil tulad ko ay takot din pala si Pat dahil hindi rin siya marunong lumangoy.

Sina Mitch, Prince at Lexter ay sumunod na rin dito sa amin.

“Nabitin ako dun, Babe ah. Pwede mamayang gabi may continuation? Yung mas harder?” sabi nito at binigyan ako ng nakakalokong ngiti.

Dahil nga sa nakayakap parin siya sa akin ay ramdam ko na may matigas na bagay na naka dikit sa may hita ko.

“Manyak! Bahala ka dyan!” sabi ko at pandalas na akong umalis para puntahan yung iba naming kasama.

Mukha kasing may binabalak si Kaizer na hindi maganda.

“Babe! Wait for me!” sigaw na Kaizer habang tumatawa.

Hindi ko nalang siya pinansin lumapit na ako sa kina Pat.

“Beesssssssssssssssss! Help meeeeeeee!” malakas na tili pa rin ni Pat.

Ang sakit talaga sa eardrum ng boses niya! Nakakabasag eh!

“Bahala ka dyan! Hindi mo din ako tinulungan kanina eh” natatawang sabi ko dito.

“Ahhhhhhhh! Nooooooo!” tili ulit ni Pat at panay ang piglas para makatakas kina Oreon at Phytos.

Ang dalawang mokong naman ay tuwang-tuwa sa kalokohan nila. Hindi pa talaga nakuntento ay kinarga na ni Oreon si Pat sa balikat nito at pinunta sa medyo malalim na part. Nakasunod lang naman si Phytos sa kanila.

.
.
.

( Pat’s POV )

Grabe si Bes wala talagang balak na tulungan ako! Huhuhuhuhu!

Natatakot talaga ako kasi hindi ako marunong lumangoy!!!

“Hoy! Don’t forget na hindi din marunong lumangoy yan ha!” paalala ni Bes.

“Hay naku, Bes! Late ka na! Malalim na dito oh!” inis na sabi ko dito pero tinawanan lang ako ng gaga.

“Don’t worry, Lew. Hindi ko naman papayagang masaktan ang Honey ko” sabi naman ni Oreon.

Alam ko naman yun. At saka alam ko naman na kaya nakasunod si Phytos ay para alalayan kami ni Oreon kung sakali man na may hindi inaasahang mangyari.

Talagang trip lang ng dalawang unggoy na ito ang paglaruan ako! Waaaahhhhhh!!!! Heeelllp!!!

Takot na takot na talaga ako dahil hanggang dibdib na ni Oreon ang tubig.

Kung makakapit ako kay Oreon ay talagang wagas! Alam ko kasi na malalim na dito. Mas matangkad sa akin si Oreon so kung bibitaw ako ay malamang na hanggang ulo ko na ang tubig!

“Ano Honey? Ready ka na ba?” tanong ng unggoy na si Oreon!

“Subukan mo lang talagang ilubog ako sa tubig! Hihiwala------“ banta ko sa kanya pero hindi na natuloy dahil lumubog na ito sa tubig na kasama ako syempre!!!!

Hindi ako ready!

Nagsasalita pa ako ng lumubog siya kaya naman nakalunok talaga ako tubig!

“Baliw ka! Bakit lumubog ka agad?!” inis na sabi ko kay Oreon.

Fixing a Broken Heart [ COMPLETED! ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon