~~~[ Heart Series: Volume II ]~~~
•Fixing a Broken Heart•
[ M2M Love Story ] [ BxB ]Chapter 40
( Lew’s POV )
Halos araw-araw ay wala na kaming ginawa ni Joem kundi ang mag-inisan.
Masyadong isip bata kasi si Joem kaya pati ako ay nadadamay.
“Bebe looooveeeee!!!” sigaw na naman nito sa akin mula sa labas ng bahay.
Kasalukuyan akong nagrereview dahil malapit na ang final exams namin.
“Bakit na naman ba? Joem nagrereview ako ngayon! Kaya tigil-tigilan mo ang pangti-trip sa akin ha?!” agad na sabi ko dito pagkalabas ako.
Tuwing busy kasi ako ay palagi niya nalang ako iniistorbo.
Pero nakita ko siya na nakaupo sa lupa ay hawak-hawak ang binti nito at parang nahihirapan.
Patakbo naman akong pumunta sa kanya para makita kung ano ang nangyari sa kanya.
“What happened?” agad na tanong ko dito.
“Sige na. Umalis ka nalang. Hindi ba nagrereview ka? Kaya ko na ito” sabi nito pero nakikita kong nahihirapan siya.
“Huwag ka na ngang maarte?! Ano ba kasi ang nangyari sayo?!” inis na tanong ko dito.
“Nakagat ako ng aso!” sabi nito sabay ngiwi.
“Ano?! Teka! Paano kita dadalhin sa ospital niyan?!” natataranta kong sabi dito.
Ang bigat pa naman niya at saka hindi ko alam kung saan ang ospital dito.
Tapos bihira pa may dumaang tricycle dito sa amin.
Hay naku! Paano na ito????????
“Huwag na. M-mukhang h-hindi na din naman a-ako aabot” sabi nito na parang naghihina na.
“Ano ba?! Huwag ka naman ganyan Joem!” sabi ko dito habang umiiyak.
“I-Ikaw na ang bahala k-kay b-bantay” sabi nito.
Nakapikit na siya at parang hinang-hina na.
“B-Bantay? Sinong bantay?” tanong ko sa kabila ng pag-iyak ko.
“Y-yung a-asong kumagat sa a-akin. Y-yung a-aso natin” sabi niya na parang malalagutan na ng hininga.
“A-aso natin? Wala naman tayong aso, Joem!” sabi ko.
Hindi na siya umiimik.
Hindi ko alam kung nawalan ng malay o wala ng buhay.
Niyugyog ko siya ng niyugyog pero hindi na siya gumagalaw!
“Joem! Hoy, Joem!” tawag ko sa kanya pero wala padin!
Ano ba ang sinasabi nitong aso namin?
Nagdedeliryo ba siya?
Ganun ba kapag malapit ng mamatay ang isang tao?
“Joem! Joem! Gumising ka nga! Sino ba si Bantay? Wala naman tayong aso eh!” sabi ko dito na umiiyak parin ako.
“Ay wala ba tayong aso? So, wala palang kumagat sa akin?” biglang sabi nito kasabay ng malakas na pagtawa.
Anak ng!!!!!! Naloko na naman ako dun ah!
“Bwisit ka talaga! Lahat nalang ng kalokohan e alam mo!” sigaw ko dito sabay ng sunod-sunod na pagpalo.
Tumayo naman agad siya at tumakbo para iwasan ang mga palo ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Fixing a Broken Heart [ COMPLETED! ]
RomanceMinsan, kung kailan masaya na tayo at parang perpekto na lahat ay doon pa bigla-bigla na lamang dumarating ang mga problema. Ang buhay ay may hangganan, pero kaya mo namang mahalin ang isang tao kahit wala na siya, 'di ba? Ibig sabihin ba 'nun may...