~~~[ Heart Series: Volume II ]~~~
•Fixing a Broken Heart•
[ M2M Love Story ] [ BxB ]Chapter 59
( Lew’s POV )
Mula sa labas ng pinto ay pumasok ang mga taong hindi ko inaasahan ba makikita ko dito.
Sina Phytos, Lexter, Blaze at Pat.
“Besssss!!!!!” tiling-sigaw ni Pat habang papalapit sa akin.
I was so shocked! Bakit sila nandidito?
“Na-Miss kita Bes!!!!” sabi ni Pat.
“Miss you too, Bes” sabi ko naman.
Napansin ko din na nakapalibot na pala sila sa akin.
“Anong ginagawa nyo dito? Bakit nyo alam na nandito ako?” naguguluhang tanong ko sa kanila.
“I gave them an invitation to come here too” si Dad ang sumagot.
“Invitation?” takang-tanong ko.
“Oo Bes. Kaninang umaga nakatanggap ako ng sulat. Heto oh” sabi ni Pat.
Pinakita niya ang papel sa akin na kaagad ko din namang binasa.
📩
Greetings! This is a private invitation for
the special person of my long lost son.
Please be with us tonight.
Look for the address at the back.-From: King Arturo Reux Greenford
PS. Keep it a secret!“Ganyan din ang natanggap namin kaninang umaga, Lew” sabi naman ni Phytos.
“I miss you, Lew” dagdag pa nito na niyakap din ako.
Isa din itong mokong na ito ang namiss ko eh!
“At last nalaman mo na din na magkapatid kayo ni Prince” nakangiting sabi ni Lexter.
“So, alam mo pala?” tanong ko dito.
“Yup. Matagal na. Inamin sa akin ni Prince when we were vacationing in Batangas” sagot ni Lexter.
“Nakakaloka ka Bes! Kaya pala magkamukhang-magkamukha kayo ni Prince. Kasi magkapatid pala kayo. At hindi lang basta magkapatid ha? Twins pa talaga kayo!” sabi naman ni Pat.
“Hindi nga din ako makapaniwala nung una. Pero happy ako kasi may pamilya pa pala ako” sabi ko.
“Not just an ordinary family. Isa ang mga Greenford sa pinakamayaman sa buong mundo” sabi ni Phytos.
“Kumain na nga muna tayo. Nagkakabolohan na eh” natatawang sabi ni Dad.
Bukod sa mga pagkain kanina, ay may ipinasok pang ibang mga pagkain.
Parang fiesta lang ang datingan. Kain lang kami habang nagkwkwentuhan at nagtatawanan.
Na miss ko talaga sila.!
“Paano ba yan, mauuna na ako sa inyo ha? Prince, magsabay nalang kayo ni Lew” sabi ni Dad.
“Sige po, Dad. Thank you po” sabi ko.
“Ikaw naman Tricia, sumabay na kayong dalawa sa akin” sabi naman ni Dad kina Ate Tricia at RyRy.
“Dad, mamaya nalang kami. We want to hang-out with them” angal ni Ate Tricia.
“You are not a teenager, anymore. Ikakasal ka na nga, di ba? Bigyan mo muna ng privacy ang mga bata” sabi ni Dad.
“Naman si Dad, eh! Sige na nga. Bye, Princess, Bye guys!” paalam ni Ate Tricia at nag beso pa sa akin.
BINABASA MO ANG
Fixing a Broken Heart [ COMPLETED! ]
DragosteMinsan, kung kailan masaya na tayo at parang perpekto na lahat ay doon pa bigla-bigla na lamang dumarating ang mga problema. Ang buhay ay may hangganan, pero kaya mo namang mahalin ang isang tao kahit wala na siya, 'di ba? Ibig sabihin ba 'nun may...