FABH - 24

2 0 0
                                    

~~~[ Heart Series: Volume II ]~~~

•Fixing a Broken Heart•
[ M2M Love Story ] [ BxB ]

Chapter 24


( Kaizer’s POV )

“What happen? Anong sabi niya?” excited kong tanong kay Jerlie.

“Wait lang. Nasaan ba sina Oreon at Pythos? Nauuhaw na ako” sagot ni Jerlie.

“Nauna na sila kasi ang tagal mong dumating. Here. Drink this” sabi ko sabay abot ng juice na para sana ay kay Lew.

Akala ko kasi ay magkasama silang pupunta dito sa cafeteria.

Pero nung nakita kong mag-isa lang na naglalakad si Jerlie ay hinanda ko na ang sarili ko sa bad news.

“Galit na galit sayo si Lew wala daw siyang balak makipag-usap sayo. Mas mabuti pa daw na iwasan mo na lang siya” sabi ni Jerlie na ikinagulat ko.

Nasabi yun ni Lew?

Ganun na ba siya kagalit sa akin?

O baka naman talagang may iba na siya?

“Mas maganda pang kausapin ko na siya ng personal” sabi ko dito.

Akma na akong tatayo pero pinigilan ako ni Jerlie.

“Ayaw ka nga niyang kausapin. Huwag ka na pumunta dun kasi baka magalit pa yun sa akin. Sinabihan niya akong huwag kitang papalapitin sa kanya. Masamang tao ka daw at walang kwenta” sabi niya.

Hindi ako nakaimik. Galit siguro siya dahil sa mga nasabi ko.

“I saw the pictures. And kilala ko yung lalaki na yun” sabi ni Jerlie na ikinagulat ko.

“Kilala mo? How?” tanong ko.

“I knew him, but not that much. He’s Tim. Basta kilala siya as chick-magnet. Gwapo, matalino at simpatiko. Kaya marami ang nagkakagusto sa kanya. Kahit ako crush ko yun eh. Lahat ng nagugustuhan nun ay ikinakama niya agad” sabi ni Jerlie.

“Y-You mean….”

Hindi ko kayang itanong. At parang masakit marinig.

“I mean kung gusto siya ni Tim, napaka-imposible na walang nangyari sa kanila. Sorry Kaizer, you need to hear this. Pero tingin ko ginagamit ka lang ni Lew. Na pinaglalaruan ka lang niya” sabi ni Jerlie.

“No! Mahal niya ako!” sabi ko dito kasabay ng pagkuyom ng mga kamao ko.

“Kaya ba nakalimutan niya ang monthsary nyo kahapon? At nakipagkita siya kay Tim nung gabi?” sabi niya.

Hindi ako nakaimik. She has a point.

Pero papaniwalaan ko ba?

“Matagal na kitang kabigan Kaizer. At masakit sa akin na niloloko ka ng taong mahal mo. So please, wake-up! Huwag mong ipagsiksikan ang sarili mo sa taong hindi ka naman pala mahal!” sabi nito sa akin.

Ang sakit!

Hindi ba talaga ako mahal ni Lew?

Pero bakit nararamdaman kong mahal niya rin ako?

O baka naman niloloko ko lang pala ang sarili ko?

“Tingin mo ba, hindi niya talaga ako mahal?” tanong ko dito.

Matagal ko na siyang kilala. Matagal ko na siyang kaibigan.

Kaya importante sa aking marinig ko ang opinion niya.

“Ano ba sa tingin mo? Alam mo sa sarili mo na kahati mo si Prince sa atensyon niya. Kahit bago ko palang siyang kakilala ay naramdaman ko na iyon. Ginagamit ka lang niya, Kaizer. Nung nawala si Prince ay humanap siya ng iba. At baka dun niya nga nakilala si Tim.” sabi ni Jerlie.

Fixing a Broken Heart [ COMPLETED! ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon