~~~[ Heart Series: Volume II ]~~~
•Fixing a Broken Heart•
[ M2M Love Story ] [ BxB ]Chapter 46
( Lew’s POV )
Dahil sa ginawa at mga sinabi ni Blaze sa akin ay parang may nagising na pagkatao sa akin.
Pagkatao na kaytagal nawala.
Kahit pala parang baliw at pasaway itong si Blaze tingnan ay may sense din pala itong magsalita minsan.
At masasabi kong malaking tulong iyon sa akin.
Actually, mabait naman pala siya. Makulit lang talaga.
Tama nga sila na hindi dapat husgahan ang isang tao hanggat hindi mo pa ito nakakasama at nakikilala ng lubusan.
Ilang beses ko na rin itong napatunayan.
“Aba, mukhang masarap ang breakfast natin ngayon ah” bati ni Joem na bagong paligo.
Iniba ko naman ang luto today. May bisita na eh. Baka magsawa sa luto ko.
Kasi ako nga mismo ay sawang-sawa na sa itlog at hotdog.
Oooppppsss. Bawal ng green-minded.
Dirty minds are not allowed here. Charot!
Tocino, bacon at sweet longganisa naman ang niluto ko this morning. Pero syempre, hindi mawawala ang sinangag.
“Ang aga mo yatang naligo? Maaga ka aalis?” tanong ko dito habang hinahanda ko ang pagkain sa lamesa.
Unti-unti na akong natuto sa gawaing kusina.
Yung totoo?
Pwede na ba akong mag-asawa o maging kusinera?
“Oo. Sasamahan ko lang si Blaze mag beach. Doon na sa kumpare ko para hindi na pang tourist yung price at saka kilala na din nya itong si tropa” sabi nito.
So, aalis pala silang dalawa. Maiiwan na naman pala akong mag-isa mamaya.
“If you want, you can come with us” sabi naman ni Blaze na kakapasok lang ng kusina.
Naka pang beach attire ang mokong.
Mukhang mayaman talaga ang pormahan. May sunglasses pa siya sa ulo.
“Ay, hindi na. Kayo nalang. Swimming is not my line” sabi ko dito.
“I can be your instructor if you want to. I’m a good swimmer if that bothers you” sabi ni Blaze.
“Maybe some other time. But for now, it’s your day. Just have fun” sabi ko.
“Can we please talk in Pilipino? We are in the Filifins” singit naman ni Joem.
Nagtawanan nalang kami ni Blaze. Baliw talaga ng mokong na ito.!
“Kumain na nga tayo. Nakakagutom kayo” sabi ni Joem.
Nauna na siyang nagsandok. Sumunod nalang kami.
“Hoy, Joem. Ingatan mo si Blaze ha? Malalagot ako kay Ma’am Hera kapag may nangyaring hindi maganda dyan” pagpapaalala ko Kay Joem.
“Yes, Bebe love. Tropa kami niyan kaya ako ang bahala dyan” sabi naman ni Joem.
“Speaking of my mom. Kinukumusta ka nga pala niya, Bebe love” sabi naman ni Blaze.
Nakiki-bebe love na din siya. Pinababayaan ko nalang.
“S-Sinabi mong nandito ako?” kinakabahang tanong ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Fixing a Broken Heart [ COMPLETED! ]
RomanceMinsan, kung kailan masaya na tayo at parang perpekto na lahat ay doon pa bigla-bigla na lamang dumarating ang mga problema. Ang buhay ay may hangganan, pero kaya mo namang mahalin ang isang tao kahit wala na siya, 'di ba? Ibig sabihin ba 'nun may...