FABH - 30

4 0 0
                                    

~~~[ Heart Series: Volume II ]~~~

•Fixing a Broken Heart•
[ M2M Love Story ] [ BxB ]

Chapter 30

( Lew’s POV )

Habang nagiikot-ikot ako ay nakita kong parang papunta sa akin si Kaizer at kasama niya si Jerlie.

Ang kapal naman ng mukha nilang magpakita sa akin at magkasama pa talaga silang dalawa!

“Babe! Please let’s talk. Let me explain please” agad na sabi nito sa akin pagkalapit.

He tried to hug me pero umiiwas ako.

Nadidiri akong makita silang dalawa!

What happened to Jerlie?

Bakit may mga kalmot ang mukha nito?

Overdrive s*x?

Masyado naman yatang intense yung ginawa nilang dalawa kagabi. Nakakadiri!

“Don’t call me babe. After what you did last night, pinatunayan mo lang kung gaano ka kasamang tao. Kayong dalawa!” sabi ko.

Kalmado lang ang boses ko pero may diin ang bawat salita na binibitawan ko.

Pinipigilan kong umiyak. Ayaw kong umiyak!

Dahil ayaw kong makita nila na mahina ako.

Gusto ko bago ako umalis ay matandaan nila at tumatak sa kanila na hindi ako talunan.

“No! Ikaw ang Babe ko. At ako pa rin ang Babe mo! Please Lew, ikaw lang ang mahal ko!” sabi nito habang umiiyak.

Mahal niya ako?

Pero bakit nila ginawa ang kababuyan na ‘yun?

Oo! Hindi man totally s*x ang nakita ko, pero doon na rin papaunta yun.

They were half naked, remember?

“Pero sarap na sarap ka sa mga ginawa mo kagabi?” sarkastiko kong sabi dito.

“I was drunk! Hindi ko alam ang mga nangyari!” sabi ito.

“Teka lang! Bakit parang ako pa ang pumilit sayo? Eh ikaw na nga itong sarap na sarap kagabi at pinilit lang ako!” inis na sabi ni Jerlie.

“Shut-up! Shut-up, okay! Hindi ka nakakatulong!” sigaw ni Kaizer dito.

Dahil sa sigaw ni Kaizer ay napunta sa amin ang atensyon ng mga tao.

Yung ibang break time na ay nasa amin na ngayon nakatutok ang mga paningin.

“Nakakadiri kayong dalawa! Proud pa talaga kayong ipakita ang kababuyan nyong dalawa!” gigil na sabi ko.

Napansin ko kasi ang mga kissmark nilang dalawa sa leeg na kitang-kita pareho!

Agad namang itinaas ni Kaizer ang kwelyo ng polo niya para itago ito.

“Huwag mo ng itago. Nakita ko na. You are just making yourself look more stupid!” sabi ko dito.

Napatungo naman siya na parang napahiya sa sinabi ko.

“Babe, please. Let’s talk first. Kailangan muna nating mag-usap” pakiusap ni Kaizer.

Kaya ko pa bang makipag-usap sa kanya?

Niloko niya ako! Pinaglaruan niya ang damdamin ko!

“I just have one question for you Kaizer. Just answer it by yes or no. After that, I’ll let you to explain your sides. Para naman hindi mo masabi na unfair ako. ” sabi ko dito na deretsong nakatitig sa mga mata nito.

Fixing a Broken Heart [ COMPLETED! ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon