FABH- 18

1 0 0
                                    

~~~[ Heart Series: Volume II ]~~~

•Fixing a Broken Heart•
[ M2M Love Story ] [ BxB ]

Chapter 18

( Lew’s POV )

“So, alam mo nga pala talaga” sabi ko kay Kaizer habang umiiyak na ako.

Sinubukan akong hawakan ni Kaizer pero nilayo ko ang kamay niya. Ang sakit kasi nilihim nila sa akin ito.

“Sorry, Babe” sabi ni Kaizer.

“All this time ay alam niyo na pala. Pero bakit hindi niyo man lang sinabi sa akin?” sabi ko sa kanila na puno ng pagdadamdam.

“That was Prince’s choice, Lew. Siya ang may sabi na huwag ipaalam sa iyo” sagot ni Lexter.

“Huwag ka ngang OA! Kung makaiyak ka parang boyfriend mo yung umalis ah!” inis na sabi ni Kaizer.

“Kaizer!” saway ni Oreon dito.

“What?! Tama naman ako ah! Bakit ba kailangan iyakan mo si Prince? He’s just in London, for God’s sake! He’s not dead!” sigaw na sabi ni Kaizer.

“But he’s our friend! Kaibigan natin siya! Kaibigan ko siya! Kaya masakit para sa akin na malaman na umalis siya at hindi na babalik!” sigaw ko din sa kanya.

“Kaibigan lang ba talaga? Eh bakit parang siya pa ang mas iniisip mo kaysa sa akin!” sabi nito.

“Ano?!” takang-tanong ko dito.

“Alam ko naman. Prince is much more important than me. Masakit lang pala talagang makita yung katotohanan” sabi ni Kaizer na may pait ang tono.

“You don’t know what you are saying” sabi ko dito.

“No, I did! Nung wala ako, si Prince ang namimiss mo. Ngayon naman iniiyakan mo siya, at sa harapan ko pa talaga! You know what?! Mas mabuti pa nga siguro kung mamatay na lang ng tuluyan si Prince para wala na talaga akong kaagaw at para isang iyakan nalang ang gawin mo!” sigaw ni Kaizer na ikinagulat ko.

Did he really just say that???

Ppaaaaaaaaaaaaaaaakkkkkkkk!!!!

Isang malakas na sampal ang binigay ko sa kanya.
Alam kong nagulat siya dahil sa ginawa ko.

“Bes!” agad na lumapit sa akin si Pat at inawat ako. 

Alam kong pati yung iba naming kasama dito ay nagulat sa pagsampal ko kay Kaizer.

“I can’t believe na manggagaling ang mga salitang yan sa bibig mo. You’re cursing your friend to be dead? How dare you to say that at sa isang kaibigan mo pa?! Sa kaibigan natin?!” naiiyak na sabi ko dito.

Hindi naman siya kumibo.

Nananatili lang siyang walang imik. Pero alam kong galit siya base na din sa itsura niya.

“If you’re angry, I can take it. Kung nagseselos ka, matatanggap ko yun. Pero yung hilingin mo na mamatay si Prince? That’s too much and very unforgivable” sabi ko at tuluyan na akong umalis.

Narinig kong tinatawag pa ako ni Pat pero hindi ko na pinansin.

I decided to go home. Gusto ko munang mapag-isa.

Masakit para sa akin na hindi na babalik si Prince.

Masakit dahil napalapit na talaga ang loob ko sa kanya.

He’s my friend, kaya nasasaktan ako at nagtataka kung bakit hindi niya sa akin ipinaalam at kung bakit nila itinago sa akin ang pag-alis niya.

Dumagdag pa ang bigat sa damdamin ko dahil sa mga sinabi ni Kaizer.

Fixing a Broken Heart [ COMPLETED! ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon