~~~[ Heart Series: Volume II ]~~~
•Fixing a Broken Heart•
[ M2M Love Story ] [ BxB ]Chapter 31
( Lew’s POV )
“All of you! Go now to the field and clean. MOVE!” ma-awtoridad na sigaw ko sa kanila.
Nakita ko ng nagulat sila sa sinabi ko.
“Lew, malinis na ang field” sabi ni Oreon.
“Bes, pati ba sa amin galit ka din?” tanong naman ni Pat.
Kailangan pa ba niyang tanungin? Niloko nila ako!
Nilihim at tinago nila na si Jerlie ang future wife ni Kaizer at magkasama pa ang dalawa kagabi!
Masakit para sa akin dahil ang akala ko ay mga kaibigan ko sila.
I asked them kung nasaan si Kaizer kahit alam ko naman na nasa loob ito kasama si Jerlie.
Pero ano? Nagsinungaling sila!
They made me look stupid! Ginawa nila akong tanga!
Nilihim nila na nasa loob si Kaizer.
Ang sabi nila ay nakaalis na ito kasama si Jerlie.
Pero ang totoo pala ay nasa loob lang ang dalawa at gumagawa ng makamunduhang bagay!
“I’m just doing my job. You should all be thankful because by this ay hindi nyo ako makakalimutan” sabi ko sa kanila.
“What do you mean?” tanong ni Phytos.
“Follow me” utos ko sa kanila.
Pumunta na ako sa loob ng cafeteria at nakasunod lang sila.
“Tamang-tama gutom na ako!” masayang sabi ni Oreon.
“What do you want, Babe? Este L-Lew? Same as before ba? Ako na ang bibili” sabi ni Kaizer na masigla na ang tono.
“I asked you all to follow me here not because we are going to eat, and I’m not in the mood to have social conversation too” sabi ko na nagpatigil sa kanila.
“Why we are here then?” takang tanong ni Phytos.
“Since malinis na din naman ang field. Dito na lang kayo maglilinis” sabi ko sa kanila.
“What?! seryoso ka ba talaga?!” gulat na tanong ni Jerlie.
“Do I look like a joker to you?” sarkastiko kong sabi dito.
Nakita ko ang galit sa mga mata nito. Pero nagtataka ako.
Bakit hindi siya lumalaban?
Nakikita kong palaban naman siya.
Kitang-kita ko yun sa reaksyon ng mga mata niya na hindi ko nakikita noon.
“Personal na galit na yata yan, Lew. At pati kami nadadamay” sabi ni Oreon.
“Bakit? Kasali naman talaga kayo, di ba?” sagot ko dito.
“Pero Bes—”
“It’s nothing personal” putol ko sa sasabihin nin Pat.
“You know the rules. Every decision has a consequence. You commit a mistake, then you should be punished” sabi ko pa habang ang mga mata ko ay kay Kaizer lang nakatitig.
“Pero hindi lang naman kami ang nasa labas ng room and wandering” sabi ni Jerlie.
“Then I guess, this is not your lucky day. Malas nyo lang kasi kayo ang nakita ko. Oops! Kayo nga pala ang lumapit sa akin. So, kayo ang may kagustuhan nito” sabi ko naman.
BINABASA MO ANG
Fixing a Broken Heart [ COMPLETED! ]
DragosteMinsan, kung kailan masaya na tayo at parang perpekto na lahat ay doon pa bigla-bigla na lamang dumarating ang mga problema. Ang buhay ay may hangganan, pero kaya mo namang mahalin ang isang tao kahit wala na siya, 'di ba? Ibig sabihin ba 'nun may...