FABH - 57

9 0 0
                                    

~~~[ Heart Series: Volume II ]~~~

•Fixing a Broken Heart•
[ M2M Love Story ] [ BxB ]

Chapter 57

( Lew’s POV )

“B-Bakit k-ka n-nandidito? I-ikaw b-ba s-si K?” nauutal na tanong ko.

“P-Princess? Bakit ka nandito?” takang-tanong din sa akin ni Prince.

“Ako dapat ang nagtatanong niyan sayo. Ikaw ang bakit nandidito?” tanong ko ulit sa kanya.

“Ha? It’s my shop kaya ako nandidito. Ikaw? Bakit ka pumunta dito?” tanong naman niya sa akin.

Sa kanya pala itong shop?

Sorry naman. Akala ko siya yung 👑K.

Kung sa kanya itong shop. Meaning kilala niya ang nagpa reserved dito.

“Pinapunta ako dito ni K. Yung nagpapadala ng regalo sa akin, remember? Ang sabi niya ay magkita daw kami dito” sabi ko.

Natahimik naman siya at parang nagulat.

“Umuwi ka na, Lew. Huwag mo na siyang hintayin” seryosong sabi niya sa akin.

“What? Kilala mo na ba kung sino ang nagpapadala ng regalo sa akin?” tanong ko sa kanya.

Tumango lang siya.

“Then, sino?  Bakit hindi mo sa akin sinasabi?!” sabi ko.

“What’s happening here?” ---

Isang boses galing sa isang medyo may edad ng lalaki ang pumasok.

He looks so classy in his black pair of tuxedo.

Sa itsura pa lamang niya ay makikitaan na agad ng awra na pagiging mayaman at makapangyarihan.

Masasabi kong gwapo siya nung kabataan niya.

He’s not that tall. He has black hair, hazel brown eyes, white skin, and has very familiar face.

Sino nga ba siya?

“Hi, dad! You didn’t say anything about your plan” matabang na sabi ni Prince dito pero may paggalang pa rin ang tono.

Dad? So, daddy niya pala ang nasa harapan namin ngayon.

Napansin ko na nga na older version siya ni Prince.

Bakit ba hindi ko agad napansin ‘yun kanina?

“You’re too slow, son. So I make the move” natatawang sabi naman ng daddy ni Prince sabay tapik sa balikat nito.

“Pero, Dad--”

“No buts, son. This is it. This is the time” putol ng daddy ni Prince sa sasabihin nito.

Ano bang pinag-uusapan nila at bakit ako nandidito?

Ano bang kinalaman nung 👑K sa pagpunta ko dito?

Parang nakaramdam naman ako ng kaba nung tiningnan ako ng daddy ni Prince.

“At last, nakita din kita sa wakas, Lew” nakangiting sabi nito sabay yakap sa akin.

Kilala niya ako? Siya kaya si 👑K?

“K-Kilala nyo p-po a-ako?” nauutal na tanong ko sa daddy ni Prince.

“Of course! Please take a seat please” sabi nito at inalalayan pa ako kung saan ako uupo.

Umupo naman siya sa kabilang side.

May pumasok na may mga dala-dalang juice at pagkain. Para sa amin siguro iyon.

Agad din naman silang umalis lahat pagkatapos.

Fixing a Broken Heart [ COMPLETED! ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon