~~~[ Heart Series: Volume II ]~~~
•Fixing a Broken Heart•
[ M2M Love Story ] [ BxB ]Chapter 23
( Kaizer’s POV )
“Bro, bakit nakasimangot ang mukha mo dyan? Akala ko pinuntahan mo si Lew? Nasaan na siya?” tanong ni Phytos sa akin.
Kakabalik ko lang ng classroom. Wala namang discussion ngayon.
Advance self-study muna kami for the next lesson. Wala kasi si prof., kaya malaya kaming umalis o mag-ingay.
Hindi ko siya sinagot.
Galit ko! Galit na galit ako!
Pagkapasok ko palang kasi kaninang umaga ay may nakita akong sobre sa ibabaw ng chair ko.
Wala pa namang ibang tao kaya hindi ko alam kung sino ang naglagay.
May nakalagay na notes sa labas ng sobre na, ‘He’s cheating on you’.
When I opened it nakita ko ang iba’t-ibang larawan ni Lew kasama ang isang lalaki na hindi ko kilala.
Ang sweet nilang tingnan sa mga pictures. May magkahawak-kamay, may mga moments pa na para bang ang saya-saya nila habang magkasama silang dalawa.
Nakakapagselos!
Sobrang selos talaga ang nararamdaman ko!
Every picture ay may nakalagay na notes describing what gays are.
All notes are negative comments and description about gays.
At sa lahat ng mga descriptions na iyon ay nagpapakita at nagpapatunay na tama ang nakasulat doon base na din sa mga nakikita ko sa mga larawan.
Bakit niya ako niloloko?
“Kaizer, can you tell me what just happened?” tanong ni Lexter.
Hindi ko napansin na nasa harap ko na pala si Lexter sa lalim ng iniisip ko.
I don’t need to explain my side. Wala akong kasalanan.
I’m not the one who cheated.
Ako ang niloko. Ako ang biktima dito.
“Why, Bro? About what?” si Oreon naman ang nagtanong.
“He came to our office na galit na galit at pinalabas kaming lahat. Obviously, nag-away sila ni Lew. Halatang gustong-gusto na umiyak ni Lew pero pinipigan niya lang dahil napakarami pa niyang kailangang tapusing commitment ngayong araw.” sabi ni Lexter.
“What???!” gulat na sabi ni Oreon at Phytos.
“Alam mo naman pala. Bakit mo pa tinatanong?” matabang na sabi ko.
“Then explain to us, why?” sabi ni Lexter.
“Bakit ko naman kailangang mag-explain sayo? Sino ka ba?! Bakit isa ka ba sa mga kalandian ni Lew?!” sabi ko dito.
Isang malakas na suntok ang natanggap ko dito.
Gaganti pa sana ako pero hindi ko nagawa dahil awat-awat na ako ni Oreon.
Nagkagulo naman sa loob ng classroom dahil sa biglaang suntukang naganap.
“Gag* ka! Ang bastos ng bungaga mo para sabihin yan kay Lew!” galit na sigaw nito sa akin.
“Mas gag* ka! Masyado kang pakialamero! Lumugar ka sa tamang lugar gag*!” galit na sigaw ko dito.
Masyadong epal!
Kung hindi lang ako hawak-hawak ni Oreon basag ang bungaga ng hayup na ito sa akin!
“Lumulugar ako sa tama dahil kaibigan ko si Lew! May pakialam ako sa kanya! Eh ikaw? Lumulugar ka ba sa tama ha!?” sigaw din nito sa akin.
BINABASA MO ANG
Fixing a Broken Heart [ COMPLETED! ]
RomanceMinsan, kung kailan masaya na tayo at parang perpekto na lahat ay doon pa bigla-bigla na lamang dumarating ang mga problema. Ang buhay ay may hangganan, pero kaya mo namang mahalin ang isang tao kahit wala na siya, 'di ba? Ibig sabihin ba 'nun may...