~~~[ Heart Series: Volume II ]~~~
•Fixing a Broken Heart•
[ M2M Love Story ] [ BxB ]Chapter 64
( Pat’s POV )
Ang boring naman ngayong araw!
Wala kaming klase dahil busy ang mga professors namin sa meeting dahil sa gaganaping SC election day bukas.
Ang Heartthrobs naman ay wala din, busy sa pagpa-practice.
Two days ko na ngang hindi nakakasama ng mahaba dito sa school si Honey ko.
Kung pwede ko lang sana puntahan si Lew eh, para hindi ma ma-bored.
Pero, teka?
Wala naman si bruhildang malanding Jerlie eh.Baka busy sa campaigning niya. Pwede siguro ako tumakas.
Agad kong inayos ang mga gamit ko. Pupuntahan ko si Lew!
“Pat saan ka pupunta?” tanong ng isang classmate ko.
“Nagugutom na ako eh” palusot ko naman.
“Baka makita ka ni Jerlie, lagot ka na naman dun” sabi naman ng isa naming classmate.
“Kapag yung dalawa niyang alalay, pwede? Pero kapag tayo, bawal?” sabi ko.
Kasi naman bawal daw kami lumabas kapag hindi pa namin oras. Pero kapag yung dalawa niyang alipores ay pwede anytime.
Classmate na din namin sina Lily at Beth.
Si Ma’am Hera ang nag decide para daw hindi mahirapan si Lew na kumilos at maging limited lang ang source ni Jerlie.
Ang unfair ni malditang Jerlie, di ba? Kung fair lang sana siya ay hindi nakakasama ng loob eh.
“Sabagay. Pero mag-ingat ka. Sabihin ko nalang nasa CR ka. Message agad kita kapag dumating na ang bruha” sabi niya.
“Sige, salamat” sagot ko naman.
Agad na din akong lumabas, kasi baka maabutan pa ako ni maldita.
Hay naku! Kainis naman kasi si Bes!
Fourth floor pa ang room. Nakapagod umakyat!
Nagkataong sira pa ang elevator!
Lahat ng ng teachers ay nasa meeting. Ganun naman kasi talaga a day before the election day.
Kaya for sure ay wala ding klase sila bes!
“Pat!!! what are you doing here?!” –
Paktay! Kahit hindi ko pa nililingon ay alam ko na kung sino ang tumawag sa akin!
Boses pa palang, satanas na!
“Ah, Eh. magC-CR lang ako” sabi ko.
“Wala bang CR sa baba at dumayo ka pa dito sa 4th floor?” mataray na tanong nito sa akin.
Kasama niya ang dalawang alipores niya na feeling maganda din!
“Ah, sira kasi yung nasa baba. Eh kayo? Bakit ba kayo nandito?” mataray ding tanong ko.
Ano nga ba ang ginagawa nila dito sa 4th floor?
“Abat! Ako ang SC President, kaya pwede akong pumunta kahit saang gusto ko! Hindi ako katulad mo lang kaya huwag kang pakalat-kalat!” sigaw nito.
“Yeah, yeah. Ikaw nga ang SC President. Alam ko na yun. Wala ka na bang ibang dialog? Pero teka, bakit pati yung dalawa na yan kasama mo? They are not SC Officials right? Bakit pakalat-kalat din sila?” sabi ko.
BINABASA MO ANG
Fixing a Broken Heart [ COMPLETED! ]
RomanceMinsan, kung kailan masaya na tayo at parang perpekto na lahat ay doon pa bigla-bigla na lamang dumarating ang mga problema. Ang buhay ay may hangganan, pero kaya mo namang mahalin ang isang tao kahit wala na siya, 'di ba? Ibig sabihin ba 'nun may...