FABH - 68

9 0 0
                                    

~~~[ Heart Series: Volume II ]~~~

•Fixing a Broken Heart•
[ M2M Love Story ] [ BxB ]

Chapter 68

( Lew’s POV )

“Bes, goodluck para sayo bukas” sabi sa akin ni Bes.

Nandito na kami sa parking lot dahil uwian na.

Hindi na namin nakita pa si Jerlie. Sabi ng ilang estudyante nakausap namin ay nakita daw nila na umuwi na ito ng maaga.

Si Kaizer naman daw sabi ni Oreon ay umuwi na rin. Kaya sa amin na sumama si Oreon.

Naglibot-libot na rin kami sa school kahit papaano. Bilang pangangampanya na rin.

Pero sabi nga nila Blaze ay hindi na kailangang gawin pa yun dahil mismong mga estudyante na din ang nagsasabing kami daw ni Lexter ang talagang iboboto nila.

“Ihanda na ang victory party para bukas!” masayang sabi ni Blaze.

“Huwag ka ngang maingay, Blaze. Baka sabihin e ang yabang natin. Isipin pa nila na assuming tayo” saway ko dito.

“Bakit ba? Tunay naman ang sinasabi ko eh. Sigurado na ang pagkapanalo niyong dalawa bukas ni Lexter” sabi ni Blaze.

Well, sa totoo lang ay tama naman ang sinasabi ni Blaze.

Kung pagbabasehan ko lang ay yung mga nakita ko kanina sa mga mukha ng mga estudyante at mga sinasabi nila sa akin. Sigurado na din ako sa pagkapanalo namin.

Idagdag ba na sabi nga ni Phytos ay nag trend na daw ang pangalan namin lalo na ako sa FB page namin at sa twitter.

Pero syempre hangga’t wala pang nangyayaring botohan at wala pang official announcement na ako ang new SC President ay hindi pa din ako kampante.

“Basta kayong dalawa ha. Ihanda nyo na nag speech nyo para bukas” sabi ni Prince sa amin ni Lexter

“Oo na.  Always ready naman kami ni Lew. Kahit on-the-spot pa yan” pagyayabang naman ni Lexter.

“Hoy, Lex! Nahahawa ka na kay Blaze ah” biro ko.

“Ako na naman ng nakita ko bebe love. Sige na aalis na ako. Agahan nyo bukas ha?” sabi ni Blaze bago ito tuluyang umalis.

“Tara na din, Twinny Prince” sabi ko naman kay Prince.

“Teka, Lew. Hindi ba may usapan kayo ni Kaizer?” sabi ni Oreon.

Oo nga pala.

Nawala sa isip ko na mag-uusap pa nga pala kami ni Kaizer.

“Mamaya pa namang gabi yun. Tatawagan ko nalang siya” sabi ko.

“Alam mo ba ang number niya, Bes?” tanong ni Pat.

Hindi ko nga din pala alam ang number ni Kaizer.

Mayroon naman na naka stored sa phone ko, kaso baka lumang number niya yun.

Umiling na lang ako bilang sagot sa tanong ni Pat.

“Ikaw talaga. Sige, isesend ko nalang sayo ang number niya mamaya” sabi ni Pat.

“Sige. Paano guys. Una na kami” sabi ko.

Kanya-kanya na rin silang pasok sa mga kotse nilang dala.

Pero ako ay sa kotse ni Prince nakasakay. Nag-aaral palang kasi ako kung paano magmaneho.

At saka ang gusto ni Daddy ay kapag marunong na daw talaga ako, ay saka niya nalang ako bibilhan ng sarili kong kotse.

Si Prince naman ang nagtuturo muna sa akin.

Fixing a Broken Heart [ COMPLETED! ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon