~~~[ Heart Series: Volume II ]~~~
•Fixing a Broken Heart•
[ M2M Love Story ] [ BxB ]Chapter 25
( Pat’s POV )
Ano ba yan!
Isang araw lang akong nawala parang ang dami ng nangyari.
Hindi ko naman matawagan ni Bes para tanungin kasi naka off ang phone nito.
Si Oreon lang ang tumawag at nagsabi sa akin na magkaaway daw ngayon sina Kaizer at Bes! At mukhang malala pa daw!
Tapos nagkasuntukan pa sina Lexter at Kaizer.
Mukhang malala nga talaga! May pisikalan na eh!!!
Para tuloy nawala ang trangkaso ko.
Hindi naman sinasagot ni Lexter ang tawag ko.
Si Bes naman kanina pa naka off ang phone!
Jusme! Mga pasaway talaga!!!!
“Honey, ano ba talaga ang nangyari?” agad na tanong ko kay Oreon.
Napasugod ako dito sa place nila kahit na late na ng gabi.
It’s already past eight in the evening. Dapat ay nagpapahinga na ako dahil may pasok pa bukas.
“Hon, bakit ka pa pumunta? Hindi ba may sakit ka? Okay ka na ba?” sunod sunod na tanong ni Oreon.
“I’m okay now, Hon. Thanks. Pero si Kaizer kumusta? Si Lew? Nandito ba siya?” sunod-sunod din na tanong ko sa kanya.
“Si Kaizer ayun. Lasing na lasing na sa loob. Si Lew hindi ko alam. Wala naman siya dito eh. Hindi na namin nakita maghapon” sagot ni Oreon.
“Gosh! Bakit biglang nagkaganito? Hindi ba kahapon ay masaya naman?” sabi ko.
“Oo nga eh. Kahit nga kami din ay nagtataka. Wala naman kaming alam kung ano ba talaga yung totoong reason. Basta ang alam ko lang ay galit si Kaizer kay Lew. Manloloko daw ito” sabi ni Oreon.
“Hindi ako naniniwala dyan. Kilala ko si Bes. Kung galit siya kay Lew, bakit siya naglalasing ngayon? At bakit hindi sila mag-usap dalawa?” sabi ko.
“Galit na din yata si Lew. Ayaw na rin makausap si Kaizer” sabi naman niya.
Pasaway talaga ang dalawang mag lovers na ito! Nakakaloka!
Pati kaming maaayos naman ang lablayf e nadadamay pa sa gulo!
Maya-maya ay lumabas na si Phytos. Mukhang problemado din.
“Anong nangyayari sa loob, Bro?” tanong ni Oreon dito.
“As usual puro kadramahan. Hindi ko naman din maintindihan kung bakit. Pinalabas na ako ni Jerlie. Siya nalang daw ang makikipag-usap. Ayaw paawat eh. Hindi ako pinapakinggan” reklamo ni Phytos.
“Nandito si Jerlie?” gulat na tanong ko.
Bakit siya nandito? Tapos si Lew yung wala dito?
“Oo. Kanina pa. Kasabay namin. Hayaan na muna natin sila. Baka sakaling makinig si Kaizer kay Jerlie” sabi ni Phytos.
“Hindi ba mas okay kung si Bes ang nandidito? Bakit si Jerlie ang kasama ni Kaizer?” tanong ko.
“Ayaw nga nila mag-usap dalawa eh. Si Jerlie matagal na naming kakilala kaya hindi na siya iba sa amin” sagot ni Oreon.
“Pero tingin ko, hindi na din dapat malaman ni Lew na magkasama sina Jerlie at Kaizer ngayon” sabi naman ni Phytos.
“Bakit naman, Bro?” takang-tanong ni Oreon.
BINABASA MO ANG
Fixing a Broken Heart [ COMPLETED! ]
RomanceMinsan, kung kailan masaya na tayo at parang perpekto na lahat ay doon pa bigla-bigla na lamang dumarating ang mga problema. Ang buhay ay may hangganan, pero kaya mo namang mahalin ang isang tao kahit wala na siya, 'di ba? Ibig sabihin ba 'nun may...