~~~[ Heart Series: Volume II ]~~~
•Fixing a Broken Heart•
[ M2M Love Story ] [ BxB ]Chapter 74
( Lew’s POV )
Naging maayos naman ang takbo ng ilang weeks ko after ng pagkapanalo ko bilang SC President.
Nilipat ko na din ang Heartthrobs sa section namin nina Prince para magkakasama kami at malayo kay Jerlie.
In this kind of schedule ay hindi na namin nakikita at nakakasalamuha si Jerlie.
Iwas toxic kumbaga.
Tahimik din lang naman si Jerlie at hindi na niya kami ginugulo pa.
Hopefully ay magtuloy-tuloy na siya at tigilan na kami…. Especially ako.
“Ahm… Princess twinny, may gusto sana akong sabihin sayo” sabi sa akin ni Prince.
Kasalukuyan akong nasa SC Office at inaayos ko ang mga documents na ibibigay kong trabaho kina Phytos at Lexter.
“Ano yun twinny?” tanong ko sa kanya na hindi ko siya nililingon.
Busy kasi ako sa pag compile ng mga documents na hawak ko.
“Ahhm, next semester ay babalik na ako sa engineering. Iyon kasi naman talaga ang course ko eh” sabi niya.
“Why? Hindi ka ba masaya dito sa course mong Business Ad? I think this suits on you. Hindi ba sabi ni Dad after ng graduation ay tayo ang mamamahala sa company natin?” sabi ko sa kanya.
Sabi kasi ni Daddy kami ang susunod na papalit sa kanya.
Kaya naman pilit ko din talagang ginagalingan para hindi siya ma-disappoint sa akin.
“Yeah, I know. Nagkausap na kami ni Dad about this. Mas prefer ko kasi ang engineering kaysa sa management eh. Makakatulong pa rin naman ako sa company. Sa ibang department nga lang siguro” sabi niya.
“Well, if that’s your decision I will support you nalang. Sa tingin ko naman ay dyan ka mas masaya” sabi ko.
“Thanks. Sa tingin ko din naman you don’t need me here. Okay na naman kayo ni Kaizer at alam kong aalagan ka na niya. Pwede na akong wala dito para bantayan ka” sabi niya.
“I always need you, Prince. Ikaw ang twinny ko eh. Kaya lagi kitang kailangan. But I am also big enough para bantayan mo pa. You have your own life too. Gusto ko naman na mag focus ka sa sarili mo. Huwag mo na akong aalalahanin, okay lang ako” sabi ko sa kanya.
“Thanks, twinny” sabi niya at niyakap niya ako.
He has his own life too. Ang unfair naman yata kung palagi niya nalang akong babantayan.
Nahihiya na nga ako sa kanya kasi masyado na akong spoiled sa kanya.
Nagpapaka big brother kasi siya sa akin, eh kambal naman kami. Mas matanda lang naman siya sa akin ng 35 seconds.
Nakakaloka!
“Hey, anong drama yan” sabi ni Lexter na kakapasok lang. Kasama niya si Phytos.
Pinatawag ko sila dahil ay ipapagawa ako sa kanila.
At bilang SC Officers ay sila ang pinagkakatiwalan kong gawin iyon.
“Nothing, idol. Sinabi ko lang ang napag-usapan natin kagabi” sabi ni Prince kay Lexter.
“About what?” tanong naman ni Phytos.
“He wants to go back to the engineering department next sem. I support him naman kasi alam kong doon siya masaya” sabi ko.
BINABASA MO ANG
Fixing a Broken Heart [ COMPLETED! ]
RomanceMinsan, kung kailan masaya na tayo at parang perpekto na lahat ay doon pa bigla-bigla na lamang dumarating ang mga problema. Ang buhay ay may hangganan, pero kaya mo namang mahalin ang isang tao kahit wala na siya, 'di ba? Ibig sabihin ba 'nun may...