~~~[ Heart Series: Volume II ]~~~
•Fixing a Broken Heart•
[ M2M Love Story ] [ BxB ]Chapter 69
( Lew’s POV )
Eksaktong 7:00 o’clock ng dumating si Kaizer. Simple lang naman ang suot ko.
White pants and white t-shirt lang. Sa bahay lang naman nila kami kasi pupunta eh.
Paglabas ko palang ng gate ay isang matamis na ngiti ang ibinungad niya sa akin.
Binuksan niya yung pinto ng kotse niya kung saan ako uupo.
He’s still looks so hot kahit simpleng damit lang din naman ag suot nito.
He is wearing black denim pants at naka blue t-shirt na may logo ni Captain America.
Oh sh*t! Seriously Kaizer?
Pareho pa pala kami ng damit!
Ang kaibahan lang ay white color yung suot ko tapos sa kanya naman ay color black.
Ano ito? Couple t-shirt na naman?
I don’t even know na mahilig din siya sa Marvel shirts. Wala naman kasi akong matandaan na naikwento niya sa akin before.
“Wait nga lang. Magpapalit muna ako ng damit” inis na sabi ko.
Bahagyan naman siyang natawa.
“No need. Ang cute kaya. Pareho pa pala tayo ng desigb” sabi naman niya.
“Kaya nga ako magpapalit eh” sabi ko.
“Baka lumamig pa yung pagkain natin kung magpapalit ka pa. Ako nalang yung magpapalit ng damit mamaya sa bahay kung ayaw mo talagang magka terno ang damit natin” sabi naman niya.
Wala na akong nagawa.
Mahaba din ang byahe kasi malayo yung location ko sa bahay nila Kaizer.
Sumakay na ako ng kotse niya, para hindi na humaba pa ang usapan namin.
Sa buong byahe ay wala kaming imikan dalawa.
Siguro ay gusto niya akong kausapin pero hindi niya magawa.
Naka earpods kasi ako at maximum ang volume.
Ginawa ko ito para hindi ko marinig o kaya ay ma-attempt na sagutin siya kung sakaling kausapin niya ako.
“Hello, darling! I really miss you so much!” salubong sa akin ng Daddy ni Kaizer pagdating namin sa bahay nila.
“Miss you too din po, Sir” nahihiyang sagot ko naman.
“Have you forgotten that I told you to call me Dad too?” sabi niya pero nakangiti.
“Nakakailang na po kasi. Ang tagal ko po kasing nawala. Sorry po” sagot ko naman.
“Well, you don’t have to say sorry. Yung anak ko ang may kasalanan at hindi ikaw” sabi ni Dad.
“Dad” angal ni Kaizer.
Natawa naman si Dad sa inasta ng anak niya na parang bata.
“Okay. Let’s get inside. Kanina pa naghihintay ang pagkain” sabi ni Dad.
Sinundan ko na din siya at pumasok sa loob.
Tulad ng dati, bongga na naman ang mga pagkain na nakahanda. Pero hindi tulad noon na parang excited ako sa mga ganitong klaseng pagkain.
Malimit kasing magpaluto si Prince ng mga masasarap na pagkain na hindi ko pa nakikita at nakakain before.
Minsan din ay nagdadala si Ate Tricia sa bahay kasi ng mahilig din siya na magluto.
BINABASA MO ANG
Fixing a Broken Heart [ COMPLETED! ]
RomanceMinsan, kung kailan masaya na tayo at parang perpekto na lahat ay doon pa bigla-bigla na lamang dumarating ang mga problema. Ang buhay ay may hangganan, pero kaya mo namang mahalin ang isang tao kahit wala na siya, 'di ba? Ibig sabihin ba 'nun may...