FABH - 72

11 0 0
                                    

~~~[ Heart Series: Volume II ]~~~

•Fixing a Broken Heart•
[ M2M Love Story ] [ BxB ]

Chapter 72

( Kaizer’s POV )

Nandito lang kaming dalawa ni Lew sa garden.

Yung iba naming tropa ay nag-aabang ng resulta ng botohan. Tapos na rin kami bumoto at hindi pa namin nakikita si Jerlie.

Konting oras na lang siguro ay malalaman na namin kung sino ang mga nanalo.

Wala akong makitang kaba kay Lew.

Seryoso lang itong nagbabasa sa librong hawak nito habang nakahiga sa damuhan.

“Babe, hindi ka ba kinakabahan?” tanong ko kay Lew.

“No. Bakit naman ako kakabahan?” balik tanong niya naman sa akin na hindi pa din inaalis ang mata sa binabasa nito.

“Kasi malapit na matapos ang counting” sabi ko.

“Kung para sa akin talaga ang pagiging SC President at gusto nila akong talaga ay ako ang mananalo. If not, ay wala naman na din naman akong magagawa kundi tanggapin ang katotohanan” sabi ni Lew.

Tama naman siya.

Pero confident ang grupo na mananalo sina Lew at Lexter. Isama pa si Phytos na candidate din sa pagiging treasurer.

Pero hindi pa rin mawala sa akin ang kabahan hanggat hindi ko pa nalalaman ang resulta ng botohan.

.
.
.
.

( Lew’s POV )

Nakakatawa talaga itong si Kaizer. Mas mukha pa siyang kinakabahan kaysa sa akin eh.

Honestly matatanggap ko naman if ever na hindi ako yung manalo.

Ang kinakabahala ko lang ay kung ano ang gagawin sa akin ni Jerlie once na siya ulit ang manalo sa election.

For sure ay papahirapan niya ako o kaya naman ay patalsikin niya ako dito sa school. Gulo na naman kapag nagkataon.

Pero sa totoo lang ay hindi naman niya iyon magagawa kasi pwede syang mapatalsik sa school kapag naging abusado siya sa kapangyarihan.

Kumbaga kapag ginamit mo yung position mo sa pagpaparusa for personal reason and hindi related sa school ay labag yun sa patakaran.

Iyon ang hindi nila alam dati.

Kasi kung nalaman nila agad iyon ng maaga ay matagal ng napatalsik sa EMU si Jerlie.

Hindi kasi sila nagbabasa ng guidelines eh, kaya ayan hindi nila alam.

Kaya relax lang ako kung ano ang kakalabasan ng botohan kasi alam ko ang mga rules at alam ko ang karapatan ko.

“Ah, Babe. May ibibigay nga pala ako sayo” sabi ko.

Bumangon ako sa pagkakahiga at kinuha ang bag ko na nasa tabi ko.

Nakatitig lang siya sa ginagawa ko at naghihintay kung ano ang ibibigay ko sa kanya.

“Oh, para sayo” sabi ko sabay abot ng isang maliit na box na kulay black.

“What’s this?” tanong niya.

“Buksan mo kaya para malaman mo kung ano ang laman” sabi ko sabay irap sa kanya.

Bakit ba kasi nagtatanong pa kung pwede namang buksan, di ba? Nakakaloka!

“Is it the gift na dapat ay ibibigay mo sa akin dati?” tanong niya.

Fixing a Broken Heart [ COMPLETED! ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon