Title: Fixing a Broken Heart
(Heart Series Vol.2)
[ M2M Love Story ] [BxB]
Chapter 04
( Lew's POV )
"Mommy! Huhuhuhuhu! Iniwan na niya ako. Iniwan na ako ng taong pinakamamahal ko. Mommy, hindi man lang niya ako pinaglaban!. Huhuhuhuhuh!" iyak ni Kaizer.
Parang nararamdaman ko din ang sakit na nararamdaman niya ngayon.
"K-Kaizer?" tawag ko sa kanya.
Naramdaman kong tumigil siya sa pag-iyak. Pero ni hindi man lang niya ako nililingon.
"I'm sorry, Babe" sabi ko ulit.
"Go away!" sigaw niya pero hindi parin ako tinitingnan.
Nilapitan ako siya ng tuluyan. Umupo ako malapit sa ulunan niya at pilit kong tinatanggal ang unan na nakataklob sa ulo niya.Pero malakas siya at pilit na nilalabanan ang pagtatanggal ko.
"I said, go away! Umalis ka na! Tutal iyon naman ang gusto mo, di ba?" sigaw niya ulit habang nakatago parin ang kanyang ulo sa ilalim ng unan.
"Sorry na nga, Babe. Kaya nga ako nandito eh. Para sabihin sayo na hindi naman kita iiwan" sabi ko.
Saglit na katahimikan bago siya sumilip mula sa nakatagong ulo niya sa unan para tingnan ako.
Bakit ba parang napaka-isip bata niya? Malayo sa Kaizer na una kong nakilala dati.
"Totoo ba yan?" tanong niya na may himig na paniniguro.
Gusto kong matawa kasi pulang-pula at maga ang mata niya sa kakaiyak pero at the same time ay may kilig din.Nakita ko kasi kung paano masaktan ang isang Kaizer Montenegro kapag nawala ako sa buhay niya.
Ganun niya pala ako kamahal.
"Oo nga. Kaya nga ako nandito, di ba?" sabi ko ng nakangiti.
"Then, why?" tanong ulit nito.
"Anong why?" balik tanong ko s kanya.
"Bakit ka bumalik? Bakit hindi ko ako iiwan?" tanong nito.
"Kasi hindi ko pala kaya. Kasi mahal na mahal kita" sagot ko.
Nakita kong sumilay muli ang ngiti sa mga labi niya.Nagulat pa ako ng bigla siyang sumubsob sa tyan ko at yumakap habang nakadapa parin.
Nararamdaman ko na humihikbi siya muli.
"Please don't do that again. Please don't ever try to leave me again. Kasi hindi ko kaya na mawala ka sa akin" humihikbing sabi nito.
"No, I won't. Now that I realized kung gaano mo ako kamahal. Kaya kahit anong mangyari ay hindi kita iiwan at ipaglalaban kita" sabi ko habang hinihimas ko ang kanyang buhok.
"Promise yan, Babe ha?" tanong nito.
"Oo naman, promise. Pero sana gawin mo din yun sa akin ha? Ang huwag akong iwan at ipaglaban mo din ako. Kasi ang hirap yata kung ako lang ang lalaban" sabi ko sa kanya.
Umupo na siya at tiningnan ako sa mata sa mata.
"Oo naman, Babe. Kahit hindi mo sabihin ay gagawin ko naman yun eh. Gagawin ko ang lahat para sayo. Ipaglalaban kita at hinding hindi kita iiwan, kasi mahal na mahal kita. Kaya nga nagalit ako kanina sayo, kasi nasaktan ako. Gusto kitang ipaglaban kay Dad pero ikaw ayaw mo. Mas pinili mo ang iwan ako kaysa ang ipaglaban mo ako" malungkot na sabi nito sa akin.
BINABASA MO ANG
Fixing a Broken Heart [ COMPLETED! ]
RomanceMinsan, kung kailan masaya na tayo at parang perpekto na lahat ay doon pa bigla-bigla na lamang dumarating ang mga problema. Ang buhay ay may hangganan, pero kaya mo namang mahalin ang isang tao kahit wala na siya, 'di ba? Ibig sabihin ba 'nun may...