FABH - 08

3 0 0
                                    

Title: Fixing a Broken Heart
              (Heart Series Vol.2)

         [ M2M Love Story ] [BxB]


Chapter 08



( Lew’s POV )


“Mukhang nagkakasayahan kayo dyan ah” bungad na sabi ni Lexter.

Kakarating lang nila galing gym. Nagbasketball kasi sila at mga pawis na pawis.


Umupo si Kaizer sa tabi ko. Si Oreon naman ay sa tabi ni Pat. Sa tabi ni Pat nakaupo si Prince na tinabuhan naman ni Lexter, at sa tabi naman ni Lexter umupo si Phytos. Nakapabilog kami.

Kanya-kanya na silang kuha ng pagkain na binili ni Prince.


“Hindi naman masyado, idol. Natatawa lang kami sa mga nakakatawang videos sa TikTok” sabi ni Prince.


Buti nalang hindi niya sinabi yung napagkwentuhan namin.


“By the way, next week na ang bakasyon. So what’s the plan?” tanong ni Oreon.


“Aba! Dapat ituloy na natin yung pagpunta sa resort nila Prince” sabi ni Phytos.


“Pwede pa ba dun, Prince?” tanong ni Kaizer.


“Oo naman. Anytime pwede tayong pumunta dun. Wala namang nagamit nun” sagot nito.


“Bakit naman? Hindi ba kayo tumatanggap ng mga guests?” tanong ni Phytos.


“No. Private resort kasi yun. Actually it’s a private island. Hindi ba nakwento ko na nga that we have to use a helicopter or a big boat to get there? But we have yacht. So, iyon na ang gagamitin natin if ever matuloy tayo” sabi ni Prince.


“Tuloy na tuloy na yan. Bakasyon na eh. Wala ng hahadlang” sabi naman ni Lexter.


“Eh baka bumagyo na naman” sabi ni Oreon.


“May bagyo ba pag summer?! Umayos ka nga! Nakalog na yata yang utak mo kaka-basketball!” inis na sabi ni Pat.


Baka nga lang, di ba? Hindi mo ba alam ang salitang global warming at climate change?!” inis din na sabi ni Oreon.


“Sinisigawan mo ba ako?!” inis ding sabi ni Pat.


“Hindi po. Nagpapaliwanag lang naman ako, Honey” sabi ni Oreon na biglang pinalambing ang boses.

Under ang mokong! Hahahahah!!


“Good! Akala ko sinisigawan mo ako, honey eh” sabi naman ni Pat na ikinagulat naming lahat. Lalong-lalo na ni Oreon.


“T-tinawag mo ba a-akong H-honey?” nauutal na tanong ni Oreon.


“Bakit ayaw mo ba? Kung ayaw mo eh di ‘wag” sabi ni Pat na pabebe din.

“No! Of course not! Gusto ko kaya! Gustong-gusto ko oh!” sabi nito na sumisigaw pa.


Napatawa nalang kami.


“Tumigil ka nga! Nakakahiya ka” saway ni Pat dito.


“I love you, Honey!” sabi ni Oreon.


“Oo na!” sagot ni Pat.


“No, dapat I love you too, honey ang sagot” sabi naman ni Oreon.


“Tse! Daming mong arte!” pabebeng sabi ni Pat pero halata namang kinikilig siya.


“I love you, honey” sabi ulit ni Oreon.

Fixing a Broken Heart [ COMPLETED! ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon