FABH - 73

6 0 0
                                    

~~~[ Heart Series: Volume II ]~~~

•Fixing a Broken Heart•
[ M2M Love Story ] [ BxB ]

Chapter 73

( Lew’s POV )

It’s Monday morning.

Tulad ng dating nakaugalian, flag ceremony muna sa umaga.

Masaya ako ngayon dahil first day ko ito bilang SC President ng school.

Maaga palang ay busy na ako dahil marami akong nire-review at mga chinicheck na mga papers, documents and accomplishments nung nakaraang term sa pamumuno ni Jerlie bilang SC President.

Ako lang mag-isa dito ngayon. Regular class kaya nasa klase na yung iba.

“Good morning, baklang President” bungad na bati ni Jerlie sa akin.

What happened to her?

Mukhang galing siya sa mahabang pagpupuyat. Ang laki kasi ng mga eyebags niya.

Ang aga-aga ay gusto niya yata akong bwisitin.

“What are you doing here, Jerlie? Dapat nasa klase ka na ah” sabi ko nalang.

“I’m just here to take all of my things, baklang President” sabi niya na may pang-iinis sa tono.

Well, hindi naman ako naiinis kasi bakla naman talaga ko.  And I am proud of it.

Hindi ako katulad ng ibang bakla na nagagalit kapag sinasabihan silang bakla.

“It’s all packed. Kunin mo nalang dyan laos na ex-president” ganting pang-iinis na sabi ko.

Nakita ko ang pagdilim ng mga mata niya.

Nakikita ko ang galit sa mga mata niya.

“Masaya ka na dahil naagaw mo na ang trono ko?” tanong niya.

“Yes I am. But to remind you again, Jerlie. Hindi ko inagaw ito sayo, binawi ko lang ‘cos you don’t deserved this title” sabi ko.

“At sino ang deserving dyan? Ikaw? Ang kapal mo naman!” galit na sabi niya.

“I think I am. Pero hindi makapal ang mukha ko. I’m just telling you the truth. May nagawa ka bang maganda dito sa school? Ano ba yung mga accomplishments na nagawa mo? As far as I concern habang binabasa ko yung files mo dito ay wala ka namang nagawa” sabi ko.

Hindi siya nakaimik.

But I can see the fears in her eyes.

Bakit parang natakot siya?  I smell something more fishy than I thought….. hmmmm….

“So, what you will gonna do to me now? Kicked me out?” mataray paring sabi niya.

“Don’t force me to do that. Isa lang naman ang gusto kong ipaalala sayo. Don’t make stupid things, para hindi tayo magkagulo” sabi ko.

“Sorry, our dear gay president. I can’t promise to you that. Remember, dito ka lang sa school malakas. But outside the campus? Isa ka pa ding basura” sabi niya.

“Basura man ako sa tingin mo, pero may pakinabang naman at hindi mabaho. Ikaw? Can you see yourself? Buhay ka pa pero nabubulok na ang pagkatao mo” sabi ko.

“Really? You’re just the SC President and I’m still the queen. The crown is still in me” sabi niya.

“Are you sure? I think you’re still dreaming. Don’t you know that the votes you’ve got are just 1% on my total votes? Walang may gusto sayo. Lahat ng tao dito ay ayaw sa’yo. Nasaan yung ipinagmamalaki mong korona, dun?” sabi ko.

Fixing a Broken Heart [ COMPLETED! ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon