FABH - 44

6 0 0
                                    

~~~[ Heart Series: Volume II ]~~~

•Fixing a Broken Heart•
[ M2M Love Story ] [ BxB ]

Chapter 44

( Lew’s POV )

“Bebe love, bakit ang aga mo naman yata magising ngayon” tanong sa akin ni Joem.

Nagluluto kasi ako para sa almusal namin.

Usually, simula nitong bakasyon ay si Joem na ang unang nagigising sa aming dalawa.

“Good morning. Coffee or milk?” tanong ko dito.

“Coffee nalang. Salamat. Walang asukal ha.” sagot nito sabay upo sa upuang naroroon.

“Maaga kasing tumawag sa akin si RyRy. Tapos hindi na ako nakatulog kaya bumangon nalang ako” paliwanag ko habang pinagtitimpla ko siya ng kape.

“Oh, bakit daw siya napatawag?” tanong nito habang parang inaantok pa.

“Wala naman. Nangangamusta lang sa atin”  sagot ko.

Tumango lang naman siya habang humihigop ng kape.

Hinanda ko na sa mesa ang niluto ko for our breakfast.

Wala naman akong talent sa cooking, at wala namang ibang pwede kong maluto dito.

Hotdog, itlog at tocino, kapartner ng sinangag.

“Napapadalas yata ang pagpunta ni Kikay dito ah” sabi ni Joem habang kumakain kami.

“Oo nga eh. Naghahanap lang ng kakwentuhan kasi boring daw sa kanila” sabi ko naman.

“Asus. Feeling ko ikaw ang pinaglilihihan nun” sabi niya.

“Ganun ba yun?” taong ko.

“Parang. Kasi ikaw ang laging hanap eh” sagot naman niya.

“Eh di mas maganda kung ganun. Maganda o kaya naman ay gwapo ang magiging inaanak ko” sabi ko naman.

“Makulit kamo” sabi naman niya.

“Hoy! Kaya lang ako naging ganito kasi nahawa ako sayo. Ang bait-bait ko kaya nung nasa Manila pa ako!” angal ko sa kanya.

Ako pa talaga ang sinabihan niya ng makulit?

“Asus! Pero speaking of Manila. Wala ka bang balak pasyalan si Ryan?” tanong niya sa akin.

“Actually nasabi niya rin sa akin iyan kanina eh. Bakasyon naman daw kaya pasyalan ko naman daw siya” sabi ko naman.

“So, kailan ang balak mo?” tanong ni Joem.

“Amm. Before matapos ang summer para may budget ako. Kailan ba kasi ang dating ng mga guest mo?” tanong ko.

“Wala akong idea eh. Basta bigla nalang iyon susulpot. Basta kalimitan ay mga ganitong mga araw yun pumupunta” sabi niya naman.

“Wala ka bang number o kaya friend mo sa facebook?” tanong ko naman.

“Wala eh. At saka nakita mo naman, ‘di ba? Hindi dito uso ang facebook na yan. Mahina ang signal dito” sagot niya.

Oo nga naman. Minsan ay nagtry ako mag net pero weak ang net connection dito.

“Teka, aalis ka ba ngayon?” tanong ko.

“Oo. Pero after lunch na. Ganoong oras kasi ang datingan ng mga bakasyonista” sagot naman niya.

“Okay. Baka pala ngayon o kaya ay one of these days ay dumating na sila. Mabuti pa ay ayusin ko na ang mga kwarto mamaya” sabi ko naman.

“Sige tutulungan na kita” sabi naman niya.

Fixing a Broken Heart [ COMPLETED! ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon