FABH - 27

1 0 0
                                    

~~~[ Heart Series: Volume II ]~~~

•Fixing a Broken Heart•
[ M2M Love Story ] [ BxB ]

Chapter 27

( Jerlie’s POV )

Pinalabas ko muna si Phytos para ako na ang mag-asikaso sa lasing na lasing na si Kaizer.

Grabe naman kasi itong si Kaizer, masyadong affected sa bwisit na Lew na iyon!

Ano ba ang meron sa baklang palaka na yun? Hindi naman siya babae kaya hindi naman sila bagay!

I have a plan.

Gusto kong pagselosin ang baklang yun. So I texted him na kasama ko si Kaizer ngayon.

Na may party! party! kami dito para kunyari masaya, pero ang totoo ay puro kadramahan lang naman ni Kaizer ang eksena!

Kung may tao mang babagay para kay Kaizer ay walang iba yun kundi ako.

“Kaizer, tama na yan. Lasing na lasing ka na” saway ko dito.

Ilang oras na din siyang umiinom.

At parang ginagawa na lang niyang tubig ang alak!

Kahit sina Phytos at Oreon ay hindi na siya kayang pigilan.

“Mahal na mahal kita Lew! Hik!  Ikaw lang ang mahal ko, Babe! Hik!” sabi sa kawalan ng lasing na si Kaizer.

Nakakainis!

Ako ang kasama niya pero ang baklang iyon pa din ang bukambibig niya!

“Ano ba Kaizer! Kalimutan mo na si Lew! Hindi ka niya mahal! Niloloko ka lang niya!” sigaw ko dito.

“Hindi! Alam ko mahal ako nun! Alam na alam ko! Hik!” sabi nito na may pag-iyak iyak pa!

Ang tanga niya!

Ang gwapo at napakayaman niya tapos sa isang bakla lang siya magpapakabaliw?

Sa isang bakla lang siya magmamahal? WTF!

“Pinagpalit ka na siya sa ibang lalaki! Nakita mo naman ‘di ba? Pinagpalit ka niya kay Tim!” sabi ko dito.

“Shino ba kashi ang punyetang Tim na yun ha?! Di hamak (hik) na mash gwapo naman ako sa gunggung na yun!” sabi nito.

Nakapikit lang siya habang sinasabi niya ito.

Nakikita kong mahina na siya sa labis na kalasingan. Pero patuloy parin siya sa pag-inom.

“Sa tingin ko alam ko kung bakit ka niya pinagpalit sa tao na yun” sabi ko.

You are weak Kaizer! I know bibigay ka din sa plano ko.

“Bakit? Sige! Sabihin mo kung bakit! Ano ba ang mayroon sa gago na yun na wala ako?!” galit na sabi nito.

“Mas magaling siguro si Tim sa kama kaysa sayo” sabi ko na may kasamang malutong na tawa.

Napamulat siya ng mata.

Tiningnan niya ako na parang sinusuri.

“Have you ever s*x with that guy before?” tanong nito sa akin.

“No. But I can tell that he’s really good in bed. Marami na ang nagsabi sa akin. At iyon ang binabalik-balikan nila sa Tim na ‘yun” sabi ko.

By this time, part of what I said is true.

Tim has a very good talent in making love. Napakagaling niya sa kama.

Hindi ko nga lang alam sa iba. Pero para sa akin, he always gives his 200% performance to satisfy my need in bed. Kaya nga ako nawili sa kanya kahit hindi ko siya mahal.

Fixing a Broken Heart [ COMPLETED! ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon