Lihim na pagtingin

633 5 0
                                    

Traidor man kung sabihin nila,
Traidor man na inibig kita.
Kung madidiktahan lang sana ang puso,
Ako na mismo ang lalayo.

Ako ang palagi mong nilalapitan tuwing may problema ka,
Ako ba sino ang lalapitan ko dahil mukang sasabog na?
Hindi ko man lang masabi sabi sayo na ako'y may pagtingin sayo,
Hindi ko man lang maipadama sayo na handa akong magsakripisyo para sa kaligayahan mo.

Sa tuwing ikinukuwento mo sa aking may hinahangaan ka,
Sa tuwing sinasabi mo na maganda siya.
Labis akong nasasaktan dahil lihim kitang hinahangaan,
Lihim kitang minamahal at yun ang totoo hindi lang pagkakaibigan.

Alam kong kaibigan lang talaga,
Ako lang naman ang naghahangad ng mas higit pa,
Kasalanan ko ba na hindi ko napigilan nung una?
O talagang sayo ko lang talaga naramdaman ang tunay na saya?

Puso ko'y sasabog na,
Nauubos na ang mga luha.
Sa kaiiyak sayo kahit alam kong walang tayo,
Hindi ko naman mapigilan dahil yun ang totoo.

Ngayon ko lang to naramdaman,
Ang lihim na magmahal ng kaibigan.
Bakit sa dinami dami ng tao sayo pa ako nagkagusto,
Na sa una palang alam kong imposibling maging tayo.

Mahal kita higit pa sa pagkakaibigan,
Mahal kita at gusto ko akin ka lang.
Lihim na pagtingin sana'y iyong mapansin,
Nang sa ganon tunay na kaligayahan aking makamtan.

Hindi ko hinihiling na ako'y mahalin mo rin,
Hindi ko hangad na matali ka sa aking piling.
Pagkakaibigan nating tunay ay sana'y magtagal.
Nang sa ganon makasama kita kahit lihim na ako'y nasasaktan at puso'y parang sinasakal.


 
                        Probinsyanatalie_DV

NALIKOM NA MGA TULATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon