Kakayanin Kaya?

25 1 0
                                    

Paano kung ang panghuhusga ay nagmumula na sa taong nalalapit sa'yo?
Magpapatuloy pa rin bang lalaban kahit na nanghihinaan?
Na sana ang mga taong pinanghahawakan,
Sila pala ang magiging dahilan ng kahinaan?

Ano ba'ng nagawang kasalanan?
Bakit ba sa araw araw na lang ay parang pinaparusahan,
Ano ba ang kamalian,
Maaring pisikal pero kailangan bang iparamdam na sa mundo ay hindi kabilang?

Dibdib ay parang tinutusok ng karayom,
Nararamdaman ay umaalon.
Walang tigil ang isip sa kaiisip,
Walang tigil ang kamay sa pagtuyo sa pisnging basa ng luha dahil sa paghihinagpis.

Gustong isigaw na tama na,
Talagang nangyayari ay hindi na makaya.
Gustong isigaw na itigil na,
Sa mga darating pang araw nakakasiguro akong hindi na nararamdaman ay mapipigilan pa.





                             Probinsyanatalie_DV

NALIKOM NA MGA TULATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon