Gusto ko ang may laya,
Laya na ang lahat ng gusto ay magawa.
Pero paano ko iyon magawa kung parang may kadenang gumagapos sa akin?
Parang may pumipigil sa lahat ng gustong gawin?Kalayaan ang paulit ulit na sinisigaw ng utak,
Hindi ko alam kung susunod ba ako sa mga yapak.
Na kung susundin ko ay may mga taong masasaktan,
At iyon ang hindi ko gustong kanilang maranasan higit sa lahat maramdaman.Pero hanggang kailan?
Hanggang kailan ako magbulag bulagan?
Sarili na ay labis na pinapabayaan,
Kalayaan lang naman ang hinihiling na makamtan.Magiging malaya rin ako,
Ngayon ay patatag na lang muna ang magagawa ko.
Para sa mga taong mahal ko,
Magtitiis ako hanggang sa kaya ko, hanggang sa makamit ko ang kalayaan na gusto ko.Probinsyanatalie_DV