Nagregalo

46 1 0
                                    

Nagregalo sa akin kanina ay isa rin sa lalaki kong kaibigan,
Kung saan binibiro ako ng kaniyang magulang na balang araw ay maging kasintahan,
Kaya ganoon na lang ang pagpapahalaga ng mabunot niya ang aking pangalan,
Ang presyo ng regalo niya ay triple pa sa pinag-usapan.

Noong nakaraang Pasko ay nabunot ko ang pangalan niya,
Kung saan noong una ay labis ang tuwa.
Nadagdagan pa na paborito niyang suotin,
Call of duty na damit ay palaging gamitin.

Bag ang regalo niya sa akin,
Sa wakas ay may bagong gagamitin.
Pagpasok sa paaralan,
Makikita niya ang regalo na labis kong pinapahalagahan.

Nagregalo sa akin ay isa sa matalik kong kaibigan,
Wala ng higit doon dahil iyon ang totoo kong nararamdaman,
Hiling na sana balang araw ay walang kalimutan,
Sa mga alaalang bahagi ng kabataan.

   





                                Probinsyanatalie_DV

NALIKOM NA MGA TULATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon