Probinsyana ako,
Probinsya ang lugar na kinalakihan ko,
Simpleng buhay kasama ng pamilya ang kinaroroonan ko,
Maliit na bagay ay labis na ang saya ko.Simple lang naman talaga,
Ang buhay sa probinsya,
Kinakapos pero masaya,
Lalo na at lumalaban kasama ang pamilya.Probinsyang kahit saan,
Ay makikita ang mga kakahuyan, ilog at palayan.
Ibang iba sa lungsod,
Ginagawa ang lahat mabuti o masama para pamilya maitaguyod.Simpleng ako hinding hindi ko ipagpapalit sa kahit na ano,
Kayamanan, materyal man na bagay na hindi ko gusto,
Pamilya at buhay sa probinsya ang labis na ipinagpapasalamat ko,
Kasama ang poong maykapal kung saan lakas ko sa kahit ano mang bagay na gawin ko.Probinsyanatalie_DV