Sa probinsya namin ay mayroong simpleng ako,
Sa araw araw na buhay ay palaging nagpapakatotoo.
Ngunit sa paglipas ng panahon,
Paano kung gusto ko namang ibahin iyon?Ayaw ko ng maging simple,
Gusto ko ring maglagay ng kolorete.
Magsuot ng mga seksing damit,
Kahit na maging saglit.Ngunit susubukan palang ay napapaatras na,
Iniisip palang ang maging itsura ay hindi na kaaya-aya.
Hindi nababagay sa mukha't katawan na mayroon ako,
Hindi nababagay sa isang tulad ko.Hindi na kailangang gumamit pa ng kolorete,
Maging ang pagsuot ng mga damit na seksi.
Hindi mo kailangang magbago para tanggapin ng mga tao sa paligid mo,
Kung tanggap mo ang pagiging simple mo at mayroong mabuting kalooban ay tatanggapin at mamahalin ka nila ng buong buo.
Probinsyanatalie_DV