Sobrang bilis naman kung lumipas ang panahon,
Iba na naman ngayon.
Kahapon lang ay akin pang iniisip,
Masagutan ang NAT ng paniguradong naiinip.National Achievement test o NAT,
Bakit sa akin unang napunta agad ang subject na Math?
Kapag siniswerte ka nga naman,
Ang aga aga pakiramdam ko parang umalis ang aking kaluluwa sa katawan.NAT na kung saan ay sinusubok ang mga nalalaman,
Sa mahigit limang taon sa paaralan.
Kami na ang kukuha ngayon,
Na noon ay kami ang walang pasok dahil sa ganitong examination.Pangalan ng paaralan ang hawak,
Dala ang nalalaman sasagutan ng tapat at may galak.
Sa isip at puso laki ang pasasalamat,
Na sa wakas ay naranasan rin namin ang ganitong NAT.Probinsyanatalie_DV
March 21 & 22 year 2024