Simulang dapat Kayanin

96 2 0
                                    

Nilibot ang sariling paningin,
Napapikit habang nilalanghap ang sariwang hangin,
Sa wakas dininig rin ang aking panalangin,
Na makalaya sa buhay ko na kay dilim.

Pakiramdam ko ilang taon na ang dumaan,
Pakiramdam ko lang naman dahil ngayon ako'y nasa kasalukuyan,
Kung saan papasok na ulit ako ng paaralan,
Pero nasa ikalabin isa ng baitang.

Ganoon pa man ay marami pa rin ang pinagbago,
Kailangan ang distansya na para bang may sari sariling mundo,
May takot pa rin sa isipa't puso,
Dahil sa pumapasok na iba't ibang scenario.

Kaya, kinaya, at kakayanin,
Paulit ulit na sinasabi ng aming guro na tatak sa amin.
Tama naman siya,
Kinaya at nalampasan nga ang nauna; ang dadating pa kaya?



    
   

                         Probinsyanatalie_DV

NALIKOM NA MGA TULATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon