Dumating na ang araw na pinakahihintay ko,
Araw kung saan laman palagi ng isipan ko,
Laban para sa kampeonato,
Hiling na sana ay kalaban matalo.Oras na para laban ay simulan,
Nanginginig lahat ng kalamnan maging ang buo kong katawan,
Hindi alam kung ano ang unang sisimulan,
Nang hindi makakain ng kalaban.Minuto ang lumipas kalaba'y hindi alam kung saan tatakas,
Pagsuko sa mukha niya'y mababakas.
Utak sa utak ang labanan,
Para sa kampeonato pinag-aagawan.Hari ang pinoprotektahan,
Gayong walang silbi naman,
Pero kapag ang hari ay wala ng mapupuntahan,
Tapos na ang labanan.Natalo ko ang kalaban ilang minuto lang ang lumipas,
Kalungkutan sa mukha niya'y mababakas.
Ako ang hinirang na kampeon,
Sa ahedres na laro ngayong taon.Pagtalo ay hindi inaasahan,
Lalo na kung magaling ang kalaban,
Pero ang mapapayo ko lang,
Patalasin ang isipan at mga mata kung gustong pagkapanalo ay makamtan.Probinsyanatalie_DV